Tag Archives: hatinggabi

Sa kalaliman

Sa kalaliman ng gabi,

Sa katahimikang kusang dumadating,
Sa di mapipigil na pagdilim,
Sa kamatayan ng telebisyon at radyo,
Sa tik-tak ng relong tanging kasalo,
Sa pag-iisang
hindi hiningi,

salamat.

Talaarawang tigtatatlumpu
Pebrero 5, 2011