Monthly Archives: August 2012

Inaagosto

Salamat sa internal na panata kong magsulat at magpost sa blog buwan-buwan (para walang malaktawang buwan sa Archive widget, o sa mas malalim na analysis ay para masabi sa sarili na hindi ako sobrang busy para bumalik (bakit babalik, umalis ba?) sa una kong pag-ibig, ang pagsusulat). Kaya naman, sa wakas, matapos ang ilang gabi ring pagbubukas ng Add New Post ng wordpress, pagtipa-tipa ng isa o dalawang linya na hindi naman i-po-post (ni hindi nga i-sa-save sa Drafts), tulad halimbawa tungkol sa pagkalito kung natakot ba akong mag-uuwian na ang lahat ng tao sa gitna concert sa Digos nung isang linggo dahil sobrang lakas ng ulan o sa takot na magpapaa ako sa eroplano dahil marinated na ang sapatos at medyas ko, o ang realization na totoo palang agrikultural, pulo-pulo at mabundok ang Pilipinas kapag nakita galing sa eroplano (itong nakaraang mga buwan ilang beses akong lumipad, the most in my 23 years of existence), o tungkol sa di mabilang na anecdote sa personal at kakarampot kong uniberso — ay ito na po ang flavor of the month for August. Nandito ako ngayon sa Butuan, mag-isa sa kwartong pandalawa, kulang na lang kumanta ko ng Mariposa ng Sugarfree, at walang naiintindihan sa Identityng now showing sa HBO (dahil kailangan ko lang na may marinig na nagsasalita maliban sa aircon). Hirap din akong magblog dahil puro ganito lang ang masasabi ko, mga pasikot-sikot sa kwentong ina-assume ko lang na matatahi ng kung sino mang mambabasa gamit ang mahimulmol at buhol-buhol kong lohika (reader’s response, haha). Ito na yun. Tatapusin natin na walang nilagom, walang kinonklusyunan