Monthly Archives: October 2012

Kapag Pagadian

Lumipad akong Ozamiz (Ozamiz, Ozamiz, parang beking pinsan ni Ozawa) nang walang kaalam-alam kung nasaan ang Ozamiz. Basta nasa Mindanao, go! Fly! Nagbiyahe ako papuntang Pagadian. Walang takot. Wala naman akong alam tungkol sa lugar. Hindi pala palaging totoo na natatakot tayo sa hindi natin alam.

Ang sidecar ng mga tricycle sa Pagadian ay nakatingala, nakaharap sa langit. Parang roller coaster ready to launch. Kasi baba-taas ang mga daan, ngudngod ka kung nakalebel lang ang mga upuan. Diridiretso ang mga daan dito papunta sa dagat kung mawalan ka ng preno.

Sa Pagadian ako dinatnan ng mga balita. Balitang bago, pero hindi nakakagulat. Wala na, only innocence surprises me. Sa Pagadian, noon pa lang, ako nagkaroon ng oras magproseso; mga balita over beers, over cofee, overkill. Medyo nalipasan na ako. It was “best before” that time, and every now is another now’s history, panis.

Isa ito sa mga kinatatakutan ko, malagay sa patag, stable state. Energy. Mae-excite lang ulit tayo kung may papasok na malaking energy, at may lalabas ding energy?

Dito, nakasubo at babad na ang lahat sa dagat.

Advertisements