Monthly Archives: March 2011

Sentimentalismo, ibagsak!

7 n.g.

Dumating ang ipinaayos na CPU ng computer. Mula Enero ngayong taon, tatlong beses na yatang ipinagawa ito. Nakakahiya kay Papa kasi hindi ko naman siya masamahan sa repair shop. Ilang beses na din niyang sinabing pag-aralan naman namin ang pagkukumpuni ng mga gadget sa bahay, pero hindi ko pa nahaharap. Gusto ko namang pag-aralan, wala lang oras. Mahilig din akong magbutingting ng mga kung ano-ano. At wala pa naman akong record nang nasira at hindi na gumanang gamit pagkatapos butingtingin.

Ikinabit ko at binuksan ang CPU. Ayos naman ang lahat maliban sa nabura pala ang lahat* ng laman ng ikalawanag hard drive na pinaglalagyan ng lahat ng file ko. Lahat. Hindi naman ito binubura kahit noong ipinagawa ang CPU. Ano pa bang magagawa ko. Reformatted ang buong memory. Malinis. Mabilis ulit.

Nagbasa na lang ako ng manga. Masama man ang balita, masaya na rin dahil mabilis akong makakapagbasa ng komiks ngayong malinis na malinis ang CPU ko.

Sinipi mula sa papel kong Magdamag, 26 Marso.

 

 

 

*O, ┬áno. You can’t get away just like that! Ngayon ko lang naintindihan na ang lahat ay LAHAT. Yung mga litratooo! Mga sulatin. Kanta! Pelikula, pelikula, pelikula, at mga reading docus na hindi ko na matatandaan kung ano at saan ko nakuha. Hah. But, sometimes, you can get away just like that.

Japan artsy galing dito.

Advertisements