Exercise

May pagka-meta ang paggawa/ pag-edit ng 30 day writing challenge. Pwede nang isang akda ang paglilista pa lang ng gagawin. Galing dito ang orihinal, at ipinabago ko sa mahusay kong kaibigan para gawing Filipino ang lapit. Sana magawa ko. Inirerekomenda ko rin na gawin n’yo, kebs kung ayaw.

day 1: mag-imbento ng isang alamat

day 2: magsulat ng fanfiction (tungkol sa isang bagay na hindi mo talaga alam o hindi ka talaga fan

day 3: magsulat ng kuwento na naganap noong first quarter storm

day 4: isang tula gamit ang mga salitang: limpak-limpak, alambre, suha, salabat

day 5: same

day 6: magsulat ng kuwento na ang simula ay: “Bumigkas ng balita ang buwaya…”

day 7: gumawa ng sariling bayani. iligtas ang sangkatauhan.

day 8: same (edit superhero to bayani)

day 9: anim na salitang kuwento tungkol sa sariling bayan

day 10: gumawa ng kuwento na ang pangunahing tauhan/diin ay ang sariling barangay

day 11: isang kuwento na nasa digital diet ang mga tauhan (walang cellphone, tv, internet, atbp de-kuryente)

day 12: mag-imbento ng 10 bagong salita at gamitin sa pangungusap

day 13: maghanap ng 10 random na salita at bigyan ng bagong kahulugang pang-exercise/gym

day 14: gumawa ng kuwento tungkol sa isang kaibigan sa facebook at ang buhay niya 30 taon mula ngayon

day 15: magsulat ng kuwento tungkol sa pinakakinaiinisan mong nilalang na nakasalamuha

day 16: mamili ng kanta ng siakol at gawan ito ng kuwento o tula

day 17: sige, same

day 18: gumawa ng nakakatawa/masayang tula tungkol sa pagiging malas

day 19: same

day 20: gamitin ang mga salita na ito sa isang kuwento: lapnos, lisik, lagarista, lilim

day 21: magsulat ng kuwentong pag-ibig ng dalawang grade 1 public school student (setting: classroom at recess, may tray na iniikot para ibenta)

day 22: magkuwento tungkol sa panaginip ng dalawang taong magkakonekta pero magkasalunga ang ending

day 23: isulat ang pinakamasayang parte ng kabataan mo

day 24: same

day 25: magsulat ng tula tungkol sa alamat ng pag-ibig

day 26: maghanap ng kaibigan sa facebook na hindi masyado nakakausap o di talaga nakakausap at alayan siya ng tula

day 27: magsulat ng kuwento tungkol sa kahit anong larong pambata (pop cult: teks, bahay-bahayan, etc)

day 28: kuwento tungkol sa sidekick ng isang bida

day 29: tula tungkol sa isang tula na tungkol sa tula

day 30: kuwento tungkol sa pansariling imahinasyon ng tagumpay ng rebo


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: