Monthly Archives: September 2012

“Akala ko patay ka na” moment

Bus ride.

1. My Beloved with Ding Dong at Marian.

Nagtagpo matapos ang matagal na di pagkikita. Laking gulat ng isa’t isa na muling magkaharap, kaya dapat may halikan para sa production value. Insert background music: How did you knoooow… (Bumenta sa akin ang porma nila ng halikan ngayon. Yung todo yuko na parang umiinom sa three feet na drinking fountain si Dong tapos lumalaban din si Marian, sahod kung sahod sa lahat nang pinatutulo ni Dong. (Meynteyn!) Ang catch, hindi nakacatch si Dong kay Marian (nakafloat lang si superstar #magic #chachaskills #tatagnglikod). The greatest balancing act on AC Transit bus byaheng Malanday.)

End of fluid exchange.

Dong: Akala ko patay ka na.
Marian: Akala ko patay ka na rin.
Dong: Akala ko patay ka na. Kaya ako nagpakasal kay Katrina Halili. Kung alam ko lang…
Marian: Ako din kasal na.
Dong: Hindi nila sinabi sa atin.

Nakaline-up na rin siguro sa 10 Top Gasgas na Plot ang mga Akala-ko-patay-ka-na scenario. Hindi si William Shakespeare ang pauso nito sa Romeo+Juliet. May ganitong moments na rin na nauna pa, marami sa bible (si Joseph the Dreamer, sample).  I-co-comment ko na lang yung iba ko pang maaalala

Advertisements