Monthly Archives: February 2015

puting askal

naglakad-lakad ako sa Hollywood Boulevard.
pagtingin ko may isang malaking puting askal
naglalakad sa tabi ko.
ang hakbang namin pareho,
sabay kaming huminto pagpula ng ilaw trapiko.
nginitian kami ng isang babae.
nakawalong kanto kaming magkasama siguro.
tapos pumasok ako sa grocery at
wala na sya paglabas ko.
di ko nga alam lalaki ba sya o hindi.
nakakatuwang puting askal
may konting dilaw sa balahibo.
malalaking matang asul, wala na.
ngusong ngingisi-ngisi, wala na.
naglalaway na dila, wala na.
mabilis talaga silang mawala.
walang sa iyo habambuhay.
badtrip.
kumukurot.
minahal ako ng aso at
pinagtiwalaan at
hinayaan ko itong umalis.

***

1. Galing sa White Dog ni Bukowski.

2. Hindi ako mahilig sa aso pero hindi kami nawawalan sa bahay. Hindi ako mahilig sa melancholia pero hindi ako nawawalan sa buhay.