Monthly Archives: February 2012

Internal bleeding

Kahapon ako biglang nabundol ng ideya habang nanonood ako ng isang dula. Ang eksena ay sweet nothings, bigla akong nagzone out. Bumalik ako sa mga eksena ng mga kwentuhan at mga biglaang bitaw ng mga tao ng linyang “Oo, gustong gusto ko siya.” Those hopeless romantics, hangal na high school puppy lovers, k. Naghallucinate din yata ako kasi parang may narinig talaga akong kinilig sa loob ng teatro. At ako ay napa-“Syet, di yata ako marunong magmahal.” Eksena ng lambingan, sa totoong buhay may matatapang na gumagamit ng salitang pag-ibig, at ako, ano bang nagawa ko? Anong pinaggagagawa ko?

Iniisip ko lahat to habang kinakalkal ang facebook mo — sinisilip kung sino ka nga ba sa mga nabubuksang siwang ng likes, comments at fb status mo. Actually, gusto kong malalim lagi ang katahimikan kapag tayong dalawa lang, at gusto kong naiilang ako tuwing papasok sa iyong one meter radius para mapahiya sa sarili ko kasi nakakailang ka pa rin pala.

Ikaw at ang ideya tungkol sa iyo ang totoong bumundol sa akin kahapon. Ang dami kong sugat, dumudugo pa rin ako, internally, ng tungkol sa iyo hanggang ngayon.