gusto ko ang mga libro mo

sa pila ng tayaan noong isang
araw
nagtanong ang lalaki sa likod ko,
“ikaw ba si henry
chinaski?”

“uh huh,” sagot ko.

“gusto ko ang mga libro mo,” pagpapatuloy
n’ya.

“salamat,” sagot ko.

tumaya na ako at bumalik
sa upuan ko.

“sinong gusto mo sa karerang ‘to?” tanong n’ya

“uh huh,” sagot ko.

“gusto ko yung 4 na kabayo,” sabi n’ya sa ‘kin.

tumaya na ako at bumalik
sa upuan ko.

sa sumunod na karera, tumayo ako sa
pila at itong parehong lalaki
ay nakatayo sa likod ko
ulit.
may higit 50 pila sa
bintana pero
nakita talaga niya ang pila ko
ulit.

“tingin ko pabor ang karera sa
mas malalapit,” sabi nya sa likod ng
leeg ko. “mukhang siksikan ang
karerahan.”

“makinig ka,” sabi ko nang ‘di tumitingin
sa likod. “halik ng kamatayan na
mag-usap tungkol sa mga kabayo
sa karerahan…”

“anong klaseng batas yun?”
tanong n’ya. “Diyos nga ‘di gumama ng
batas…”

umikot ako at tiningnan s’ya:
“siguro hindi, pero ako,
oo.”

pagkatapos ng kasunod na karera
pumila ako, sumulyap sa likod
ko:
wala s’ya doon.

isang mambabasa na naman ang nawala.

2 o 3 ang nawawala sa ‘kin
kada linggo.

mabuti.

hayaan mo silang bumalik kay
Kafka.

1. I was hearing his encouragement but it did not hit any nerve. Do this, do that sounded like bopis and donut.

2. We talked for hours, I almost believed in myself.

3. And I will meet him again. And again. And again.

(Salin ng “i love your books” ni Charles Bukowski)

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: