Sa Puso

c132d0vuqaaoyln

May sakit ako sa puso, Mitral Valve Prolapse.

Kinailangan kong magpa-Annual Physical Exam para sa opisina nitong December. Nakumpirma ko lang ang sakit ko kasi inirekomenda ako sa cardio nitong January.

“May sobrang beat ang puso mo”, sabi ng unang doktor nung APE.

Alam ko na noon pang may sobrang tunog ang puso ko (dapat: dug-dug, dug-dug, dug-dug lang ang tunog ng puso, indikasyon ng pagbukas at pagsara ng mga valve; pero ang sa akin: dug-dug-dug, dug-dug-dug, dug-dug-dug, may naiiwang pangatlo). High school pa lang ako, sabi ng pedia ko, ay may sobrang tunog ang puso ko. Kaswal lang nyang sinabi kaya akala ko’y wala lang.

Kinailangan kong magpa-ECG at 2D ECHO, buti na lang ang libre sa health card. Nang basahin ng cardio ang resulta, umayon naman syang may diperensya nga ang puso ko.

Weird, pero bago ang appointment ko sa cardio ay nagse-scenario building na ang isip ko kung paano ko i-a-approach ang mga mahal ko sa buhay para ibalitang may malala akong kondisyon sa puso. Sa isip ko, paano kaya kung mamatay na ko? Sinong bang mga bibilinan ko at ano ang mga ibibilin ko?

“Mahaba at malambot ang isang valve ng puso mo. Meron kang Mitral Valve Prolapse o yung extra heart beat syndrome,” sabi ng cardio. Medyo bulol-bulol pa siya at buti malinaw ang pandinig ko. Kakagising lang yata dahil 7:30 ng umaga ang check-up ko noon. I swear to God Valve lang naintindihan ko sa sinabi niya, context clues na lang yung iba.

“Normal lang naman yan, wag kang mag-alala. Hindi naman malalang klase yung sa iyo, kailangan lang obserbahan,” pahabol niya agad para patayin ang kaba ko.

Pinaka-winner niyang advice ay ito: “I-google mo na lang yung iba para maintindihan mo.”

May epekto syempre ang kondisyon ko pero wala namang nagbago sa akin masyado maliban sa pag-iwas ko sa kape. Hindi ko pa talaga alam kung saan ipwe-pwesto itong sakit ko. Madalas hindi ko pinapansin pero ang totoo ay natatakot din ako.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: