Pabigat

Napuno ng hangin ang puso at nanikip ang kalooban
ng maliit kong katawan. Inagaw nito ang lugar ng

baga upang huminga, ang panunaw, ang pag-iisip, ang
mga buto, mga bato. Nalason ang lahat ng ugat, halos mapatid

ang dugtungan ng aking balat. Nabanat ang lahat:
lumaki ang aking mata, kamay at paa, lumapad

ang aking tiyan at lumaki ang pisngi. Napipi ako at naluha.
Umangat ako at lumipad, napakabagal na paglutang.

Nakita ko pa ang kupas ng aking sapatos, tapos, ang
bubong, ang buong Barangay, buong Luzon, buong mundong

Tahimik. Walang ni isa mang tao. Pagdating ko
Sa rurok ng mga ulap, tinuka ako ng ibon. At pumutok —

pira-pirasong sumaboy bilang mga puting paru-paro.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: