Oda sa Bagabag

Hatinggabi kung umawit
Ang kuliglig sa aking dibdib.
Sa dilim, sa dilim,
Wala itong himbing,
Sa lagim, sa lagim,
Lagi nitong lambing.

Mariin akong napapikit
Pagkarinig muli sa tatlong katok.
Alam kong nar’yan ka,
Pagbati ng nasa ibayo ng pinto.

Umahon ako at inayos
Ang aking unan at kumot.
Pinatag ko ang malalalim na lukot
At muling humimlay sa’king likod.

Alam kong nar’yan ka,
Bumubulong sa baho nitong tinig.
Iniisip kong tuwid itong nakatindig
At nakaharap sa pinto, tahimik.

Hanggang mag-umaga, mahina
At sabay kaming humihimig.
Sa dilim, sa dilim,
Wala itong himbing,
Sa lagim, sa lagim,
Lagi nitong lambing.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: