Oda sa Sinariling Sakit I

Gaya ng magnanakaw sa hatinggabi,
Dumating ka isang umaga. Dumaan ka sa bintana,

Nakaupo ako katabi ang tasa ng kape
Sa katahimikan. Nagulat ako nang walang pagtataka,

Ang ngiti mo’y bumabati “narito na ako…
Ako na ito”. Niyakap mo akong mahigpit, marahan,

At sa aking likuran itinarak ng marahan ang sibat
Na nagmula sa kawalan. Dama ko ang pagtawid nito

Sa ating laman at baga at sa gitna ng puso.
Malamig kang bumulong, “ngayon iisa na tayo”.

Tiim ang tikom kong labi, tumulo ang aking
Luha. Ngunit wala ni patak ng dugo akong nakita.

Nanatili ang katahimikan ng umaga, umuusok pa rin
Ang kape. May pipit na dumapo sa pasilyo ng bintana

At matamis na humuhuni ng isang magandang araw.

**
Inspirasyon ko ang oda ng mahusay na makata Maria Cecilia Dela Rosa; ito ang halimbawa.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

One response to “Oda sa Sinariling Sakit I

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: