Moments of gold; Flashes of lights 1

Surigao
September 23, 2013

Nadaanan namin ang mga hubad-barong mga sunog na mga bagets. Naglalakad sa gilid ng hi-way, sunong-sunong ang mga sako ng kinoprang niyog, halos kasing laki lang nung isa yung buong sakong dala nya.

Ang init sa labas, pritong epidermis at creme brulee ang kuko mo sa tanghaling tapat. Buti na lang aircon at tinted ang van namin.

Walang katapusang bukid ang lugar, winner kung kukuhaan ng wide tas pan out tas aerial shot. Kabog! PangCannes. Sa kabilang planeta pa yata magdedeliver ng kopra si totoy, walang bahay within 500-meter radius.

Ganoon kamelodramatic ang eksena, poetic naman, kung type mong romantic na kahirapan dapat blurry ang kuha, kung social realism dapat medyo grainy or black and white. Di ba lang,third world drama and problems!

Pero ako, ang pinakamalaki kong problema nung mga oras na yun e kung paano gagawing komportable para sa 6 na tao ang 10-seater na van. As in.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: