trahedya ng mga dahon

nagising ako sa pagkatuyot at patay na mga pakô,
sing dilaw na ng mais ang mga halaman sa pasô;
umalis na sya
at mapuputlang bangkay na lang ang mga basyo ng boteng
nililigiran ako ng kanilang pagkainutil;
pero kahit na, maganda pa rin ang araw,
at nalulukot ang listahan ng kahera ko sa pino at
tuod na paninilaw; ang kailangan ngayo’y
isang magaling na komedyante, iyong makaluma, payaso
na may mga biro tungkol sa balintunang Sakit; balintuna ang Sakit
dahil umiiral ito, at ito lamang mag-isa;
maingat akong nag-ahit gamit ang lumang labaha
ako na noo’y batang bata na
ang sabi nila’y may utak daw; pero
iyon ang trahedya ng mga dahon,
ang mga patay na pakô, mga patay na halaman;
at naglakad ako sa madilim na pasilyo
kung saan nakatayo ang kahera ko
nagmumura at punong-puno,
dinadala ako sa impyerno,
winawagayway ang lawlaw, pawisang braso
at nagsisisigaw
nagsisisigaw ng singil sa renta
dahil binigo ng buong mundo
ang tulad naming dalawa.

***

1. Unti-unti nalalanta at natutuyot pero hindi pa, hindi pa naman siguro.

2. Hango sa the tragedy of the leaves.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: