di malilimot na ngiti

meron kaming goldfish, paulit-ulit paikot- ikot
sa planggana sa mesa katabi ng makapal na kurtinang
takip ng bintana
at si nanay kong palangiti, gustong
masaya kami palagi, nagsabi, ‘magsaya ka Henry!’
tama siya: mas mainam maging masaya
kung uubra
ngunit ilang beses kung bugbugin kami ni tatay sa loob ng isang linggo habang nag-aamok sa loob ng anim at dalawang piye nyang katawan
ang galit sa kanyang loob na di niya maintindihan.

si nanay, kaawa-awang goldfish
gustong maging masaya, dalawa o tatlong ulit
lingguhang bugbugin: ‘Henry, ngumiti ka!
bakit hindi ka ngumingiti?’

at ngingiti siya pagkatapos, tuturuan ako,
ng pinakamalungkot ng ngiti

isang araw, lahat ng limang goldfish, namatay
palutang-lutang, patagilid
dilat,
at naging pakain sa pusa nang ihagis ni tatay
sa sahig ng kusina, at pinanood namin, habang si nanay
ay nakangiti

***

1. Ang sustansya ng pagkain, parang sustansya ng pagngiti – pilitin mong kainin,pilitin mong gawin, may mapapala rin.

2. Ang tatay ko ang mahilig sa mga isda, pero sumuko na sya pagkatapos paulit-ulit mamatayan ng ilang batch ng mga alaga. Nagkasya na sya sa mga aso. OK lang ako sa mga alagang isda, pero hindi ko ito kailangan.

3. Ito ang “A smile to remember” ni Charles Bukowski. Smile!

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: