hamon sa dilim

binaril sa mata
binaril sa utak
binaril sa puwit
binaril na parang sumasayaw na bulaklak

nakamamangha ang tagumpay ng kamatayan
nakamamangha ang tiwalang binibigay sa mga ungas na may buhay

nakamamanghang nalunod na ang pagtawa
nakamamanghang palagian ang kabangisan

kailangan kong ideklara ang pakikidigma ko sa kanilang mga giyera
at panghawakan ang kahulihulihan kong tuntungan
dapat kong ipagtanggol itong kapurit na espasyo
na hinahayaan akong mabuhay

ang buhay ko, hindi ang kanilang kamatayan
ang kamatayan ko, hindi ang kanilang kamatayan

sa lugar na to, sa oras na to, ngayon
sumusumpa ako sa araw
tatawa ako ng isang tawang napakasaya
sa perpektong lugar para sa akin
magpakailanman

ang kanilang kamatayan, hindi ang aking buhay

***

1. Ito ang “a challenge to the dark” ko ni Bukowski.

2. Napakaraming kamatayan araw-araw. Naalala ko ang tungkol sa pagbagsak ng puno sa gitna ng kunsaang gubat; sinong nakarinig?

3. Pero ang mga pagpatay sa isa, dalawa, apatnapu’t apat, buong baryo, isang buong bansa sa ating harapan – kamanghamangha ang tao, kamanghamangha ang kamatayan.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

2 responses to “hamon sa dilim

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: