ang katuparan ng kalungkutan

Naririnig ko pa ang mga bundok
kung pano sila tumawa
taas-baba sa tagiliran nilang asul
pabulusok sa tubigan
ang mga isda’y nag-iiyakan
at ang tubig
ay kanilang luha.
Nakikinig ako sa tubig
Sa gabing lasing ako
At nagiging napakalaki nitong Kalungkutan
Naririnig ko ito sa tiktak ng relo
Nagiging hawakan ng cabinet ko
Nagiging mga papel sa sahig
Nagiging shoehorn
Laundry ticket
Nagiging
Usok ng sigarilyo
paakyat sa madidilim na balag…
maliit na bagay lang ito
di naman ganoon kasamâ ang kaunting pag-ibig
o napakakaunting buhay
ang mahalaga
ay paghihintay
pinanganak ako para dito
pinanganak ako para magtulak ng mga rosas sa daan ng mga patay.

***

1. Kakaibang lungkot ang meron ako ngayon. Hindi ganoon kabigat.

2. Nitong mga nakaraa’y hindi ko alam kung lungkot ito o ligalig. O baka nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko alam, kaya nalungkot na lang ako.

3. At totoo nga, nagiging napakalawak at napakalaki ng Kalungkutan kung papayagan mo. Kung pipiliin mo.

4. Lahat naman ay relatibo. Mas dama ko ang saya ngayon.

5. May katuparan ang lungkot, kaya isinalin ko ang Consummation of Grief ni Bukowski para marinig ko kung ano ito.

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

2 responses to “ang katuparan ng kalungkutan

Leave a reply to Sine Qua Non Cancel reply