hangin at liwanag at oras at espasyo

“ –alam mo, kung di man pamilya, trabaho,
palaging may sagabal sa
gusto ko
pero ngayon
ibinenta ko na ang bahay kapalit nitong
malaking studio, kailangan mong makita ang espasyo at
ang liwanag.
ngayon lang sa buong buhay ko, magkakaroon ako
ng lugar at oras para
lumikha.”

alam mo bata, kung may lilikhain ka
lilikha ka kahit pa may pasok ka
16 oras araw-araw sa minahan ng uling
o
lilikha ka sa kwartong siksikan kayo ng 3 mong anak
habang
nabubuhay lang sa limos,
lilikha ka gamit ang isip at katawang pinasabog
lasug-lasog,
lilikha kang bulag,
pilay,
baliw,
lilikha ka habang gumagapang
ang pusa sayong likuran
habang nanginginig ang syudad sa lindol, bombahan,
pagbaha, pagkasunog.

bata, ang hangin at liwanag at oras at espasyo,
walang kinalaman ito!
wala itong nililikhang kahit ano
maliban siguro sa mahabang buhay
na puno ng mga bagong
palusot.

***
Latay at paalala at salin ko ng Air and light and time and space ni Bukowski.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: