RfL

Ready for Love
India.Arie

Album: Acoustic Soul, 2001
Lyrics: India.Arie & Blue Miller

Handa akong umibig “…to a man who loves music…” Ito ang pinakapaborito kong linya.

Bilang nagsisikap/ nangangarap na maging tao ng sining o maging artist, naipaabot nito ang isang nakakakilig na pangarap – ang umibig sa isang taong humaling din sa musika, sa sining, kumikilala sa mga bagay na lampas pa sa pisikal at higit pa sa mga bagay na materyal, at nag-iisip nang may puso.

Sa totoo, sino bang mahigpit na sumusunod sa isang checklist na dapat maaccomplish para masabing, yes, I am now ready for love?

May nakapagsabi dati, magnanakaw ang pag-ibig, dumarating sa panahong di mo inaasahan.

Pero gaya ng linya ni India.Arie, gaya ng hinahanap nating pag-ibig, mahalaga pa rin ang mag-isip, pag-isipin ang isip na may puso.

May bersyon ako ng kantang ito:

Handa na ba ako sa pag-ibig
o nagtatago pa’t nangingimi?
Kaya ko bang isuko ang pag-iisa
at sa iyo magpatali/ makisama?

Handa na ba ako sa pag-ibig?
Nakakaintriga ang sakit at saya
ng paghihintay at pagninilay
kung sino’ng mauunang humiwalay.

Minsan, naiisip kong hindi
pa ako handa, na hindi ka pa handa,
na wala talagang dinaratnang handa
para sumagot: ito na ba talaga
ang hinihintay kong tanda?

Pero kung tanungin mo ako ngayon,
sasabihin ko’y, pumunta muna tayo doon.

Handa na ako sa pag-ibig?

Nakikinig ka ba?

Pangako, hindi ako aangal,
sa mga gusto mong musika at kanta,
sa gusto mong sining at pelikula,
sa paniniwala mo sa mga anito,
sa mga iniisip mo at drama.
Handa akong matuto
sa iyo, pipilitin ko,
kilalanin mo lang itong kabaliwan kong pinaiiral.

Handa ako.

Ano ba ang kulang at sapat
para masabi mong
handa nga ang isang ito,
at
handa na rin ako?

https://cientocincuentayuno.wordpress.com/2014/11/04/3-pahinga-sa-pahina/

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: