sa kulungang ito, may kantang nalilikha

tumutula ako, nag-aalala, ngumingiti
tumatawa
natutulog
tuloy-tuloy lang
gaya rin ng ilan
gaya rin natin;
minsa’y gusto kong yakapin
lahat ng tao sa mundo
at sabihan,
lintik talaga ‘tong pasakit na binigay
sa ating lahat,
oo, matatapang tayo at mabait
kahit na napakaswapang
nagpapatayan
nagpapakamatay,
mga taong nabuhay
para pumatay, mamatay, manangis sa lihim
at magmahal sa dilim
at maghintay
at maghintay nang maghintay nang maghintay.
tao tayo.
ito lang
tayo.

 

Salin ng in this cage some songs are born ni Charles Bukowski.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: