The Morning After

Nang magkamalay siya, may apat hanggang limang doktor at nurse na nakapalibot sa kanya.

“Hi sir, kumusta ka?”

“Ok… lang… po”, pabulong nyang sagot, may masakit sa kanto ng itaas nyang labi, at hindi sya masyadong makadilat.

“Natatandaan nyo po ba ang pangalan nyo?”

“Paul… Joseph… Belisario.”

Sa isip niya: Syempre alam ko ang pangalan ko. May ginawa ba kong krimen? Umiikot ang ulo ko. Di ako makagalaw.

Hindi pa niya alam na bali ang kaliwa niyang braso. Na may lamat ang kaliwa niyang tuhod. Namamaga sa putok na sugat ang kaniyang labi.

Meron ding malalalim na gasgas sa kaliwang sentido, sa magkabilang balikat, sa malapad nyang noo, sa kaliwang pisngi ng ilong, at itaas ng puwit.

Pero napansin niyang berde ang kumot niya, at natatandaan niyang wala silang berdeng kumot sa bahay. Mukhang hindi siya sa kama nya natulog kagabi.

“Alam mo ba kung anong araw na ngayon?”

“Lunes na po.” Sa venetian blinds sa kanan niya, nasisilip niyang may kaunting liwanag na sa labas.

Sa isip ulit niya: Lunes, may pasok sa trabaho. Bakit ako nasa ospital? Makakalabas ba ako maya-maya? Kailangan kong pumasok, absent na ako noong Huwebes at may mga pending ako. Ano bang nangyari sa akin?

Parang narinig ng doktor ang naiisip ng pasyente.

“Natatandaan mo ba kung anong nangyari sa’yo?”

Kinalkal niya ang utak. Ang huli niyang naalala ay…

headlight ng kotse galing sa kanyang kaliwa! Nakatutok at papalapit ng papalapit sa kanyang mukha.

Connecting the dots, sumagot ng isang tanong si Paul. “Na… nabunggo po… ako?”

“Nabunggo po ba ako?” Kailangan niya ng paliwanag. Gabi ang huli niyang alaala, nagdilim ang kanyang memorya sa nangyari.

Walang sumagot. Nag-usap-usap ang mga nakapalibot sa kaniya. Bulungan, bulungan, bulungan. Hanggang bigla ulit siyang makatulog.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: