Panahon

Bumalik ako sa aking ortho para sa nakatakdang check-up.

Inalis niya ang natitirang mga tahi ng opera ko sa braso. Pinahakbang-hakbang din niya ako baka subukan ang tibay ng bali kong tuhod. Gumawa siya ng rekomendasyon para magpaphysical therapy na.

Nagsulat-sulat siya sya ng reseta pagkatapos ng check-up.

“Ang reseta ko sa’yo ay panahon. Panahon ang gamot natin hanggang tuluyan ka nang gumaling.”

Panahon. Paghihintay, at paghihintay: mahigit isang buwan na pala mula noong aksidente.

 

Patak
Danilo R. Si

Lahat ng tao, nakakulong sa oras
Di makalaya sa gipit na pag-ikot
Bawat segundo, mabilis lumilipas
Minutong dumaan, agad na nalimot

Mula sa pagkahimbing nais gisingin
ang tagapag-ingat, na oras ay saklaw.
Sa tagapag-ingat ay nais hilingin,
sandali’y tagalan sa kanyang paggalaw.

Sa kanyang paglabas kami ay nabigla
“ang tagapag-ingat, isa ring bilanggo!”
Katandaan ay kita sa kanyang mukha.
Ang sariling oras, di rin mapahinto.

Sandali ay pahalagahan palagi
Pagkat oras ay di na babalik muli.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: