wiz list

Ah, sobrang nakakapagod ang mga nakaraang araw. Gusto ko ang pagod, wala akong problema na mapagal pero kung kaunting pagod lang, iyon ang pagod na ayoko. Ang gusto ko sana’y yung itutumba ka sa pinto pa lang ng kwarto at wala ka nang panahong maghubad man lang ng medyas o maghubad ng sinturon. Kapag pagod na ako pero at may oras pa ring mag-isip-isip sa gabi, yun ang ayoko. Ang tawag ko dun ay tingi-tinging pagod, walang sipa pero kapag naipon ay kakaiba ang tama.

Para pasayahin ang sarili, dumaan ako ng bookstore. Bibili sana cork board na isasabit sa kwarto. Sabitan ng paalala. Napakarami kong nakakalimutan. Masipag akong magjot down sa planner pero madalas kong maiwan ang planner. Malas lang, walang cork board na swak sa hinahanap kong sukat sa Pandayan sa Paso De Blas. Buti na lang may sale sila ng segunda manong libro. Dumampot ako ng dalawa: Anthology of Lesbian Short Stories at koleksyon ng apat na kwento ni Leo Tolstoy. Kahit medyo mahal yung antolohiya kasi hard bound, inisip ko na lang na regalo. Minsan nakakalimutan kong pagbabasa ang pinakamasarap kong pampatulog. Nakakalimutan kong di dapat ako nagpapakapagod kakamuni sa gabi, dapat dumadampot akong libro dahil marami pa akong naka-waiting list.

Speaking of regalo, iniisip ko kung may nagbabalak pa bang magregalo sa akin. O yung medyo nahihirapan sa pag-iisp kung anong ireregalo sa akin. Nahihirapan din ako kapag tinatanong kung anong gusto kong regalo. Kaya naisip kong maglista: xmas wishlist? birthday, valentines, Halloween, Bataan day wishlist na rin siguro ito:

– Cork board (kung di pa ko makabili) at cork board pins
– Hotdog pillow (6 feet o mas mahaba pa, matabang mataba)
– Isang bote ng chocolate syrup
– Yung kutsara at tinidor na pwedeng dalin kahit saan
– Air freshener/ air fragrant para sa kwarto
– Libro (books by Filipino authors o Jose Saramago o Milan Kundera o kahit anong libro)
Jogging shorts, jogging shirts, jogging songs
– GC sa massage spa (clean spa!) o foot spa oks rin
– Malambot na malambot na tsinelas pambahay
– Yung mga bangketa shorts at sandong pambahay
– Toiletries kit
– Pocket notebook (manipis lang pero marami para kapag naubos may kapalit agad)
– Album ng Aegis o tiket sa concert ng Aegis

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: