so clean

alas kwatro y medya na ng umaga.

“good morning po, ilang oras po?”

mukha syang napagkaisahan at napilitang magmake-up.

“hanggang seven thirty lang.”

“3 hours po. four hundred fifty po.”

isinulat ang room number sa maliit na resibo.
iniabot ang key card.
room 608.

“salamat.”

smile like you mean it.

pasok sa pintuang pinipindot nya muna para bumukas.
pasok sa elevator.
press 6.
labas sa elevator.
may tagalinis na nakadilaw, mas payat pa sa akin.
amoy pamatay ng ipis ang mundo.
room 601 ang nasa bungad ng elevator, room 606, 607.
room 608 sa kanan.
saksak ng key card.
red light, green light.
bumukas ang pinto.
kalahating dipang receiving area.
another door.
repeat ritual.
red light, green light.

open sesame!
pagbukas ng ilaw ay bumukas ang tv.
late night balita.
mahina ang aircon?
sira ang pihitan.
hubad ng polo shirt.
hubad ng sando.
hubo.
hugot ng manipis na kumot.
malamig rin pala.
may salamin sa kaliwa.
pinatay ang puting ilaw, ang pulang ilaw, ang TV.
sakto lang ang lambot ng kama.
hindi matalbog, hindi rin matigas.

tumunog ang alarm.
maaga pa.
akala mo nasa bahay ka!
tumunog ulit ang alarm.
wala kang pang-ibaba.
wala ka sa bahay.
shet, so clean.

ring ng telepono.

“ten minutes na lang po before check out.”

“ok… thank you.”

diretso sa banyo.
ayaw bumukas ng ilaw.
itinodo ang gripo sa lavatory.
hilamos, mumog, hugas ng buhok, hugas ng leeg, banlaw ng braso.
kinky ang paglalakad ng nakaunderwear lang sa banyo nang may maliliit na hangover. 
tinuyo ang lahat ng basa gamit ang twalyang nakaalmirol.
paano ba aayusin ang buhok para magmukhang hindi galing sa so clean?

labas ng kwarto.
shet, may mga tao sa pasilyo.
sana hindi ka kilala.
ok, hindi mo sila kilala.
sakay ng elevator.
hello front desk.
isuko ang key card.
labas na agad, bilis.
ooops, hindi mo mabuksan ang pinto.
style para hindi matakasan ng mga customer.
bayad na ba?
magkano nga?
ay, kagabi pa pala.

ang daming tao sa labas, mga nag-aabang ng masasakyan.
ang gulo ng buhok mo.
basta dirediretso lang, tumingin sa kalsada pero wag tumingin sa mata ng mga tao.
pero parang mas kaduda-duda kapag nakayuko.
wala ka namang ginawang masama maliban sa pagwaldas ng pera para sa pangit na kwarto dahil sa pakikipag-inuman hanggang umaga.
nang may trabaho kinabukasan.
kung may ginawa kang masama, tulad ng pakikipagsex sa so clean sa napick-up mo sa circle o sa kaibigan mong nilasing, katulad ngayon na syempre so clean, kay dapay may ikahihiya ka paglabas mo ng so clean, para valid ang pagyuko at pagtago ng mukha sa mga nakapilang katulad mo e papasok din sa opisina.
mas fresh nga lang sila sa’yo.
pero wala namang nakakahiya.
nahihiya ka lang na masyado kang mahiyain.
sakay ng taxi.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

2 responses to “so clean

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: