Ikatlong buwan

1.

Una akong nakakita ng fetus, field trip sa UP Los Baños, grade five ako.

Nasa loob siya malaki at malinaw na garapon, nakababad sa naninilaw na tubig. Tulog, namamaluktot patihya. Sa ibabaw ng katawan niya, ang mahabang-mahaba niyang pusod. Parang makintab na goma ang balat, makinis na parang nanigas na pinturang puti.

Ngayon, tinititigan ko sya sa alaala ko, at ang paulit-ulit kong naiisip: isaw, isaw ng manok na kulay orange habang hinuhugasan at binabalibaliktad bago isalang sa ibabaw ng uling.

2.

Sa may banggagaan ng jeep at motorsiklo sa Marcos Hi-way, sa tapat ng palengke bago dumating ng Masinag — dito ko nakita ang utak ng tao.

May nakahandusay, biyak na niyog ang ulo, nakamulagat at nakikipagtitigan sa lahat ng nagdadaan, at doon sa ibabaw ng natapong dugo sa aspaltadong kalsada ligwak ang maputing laman, parang matataba at makinis na bulate na gumapang palabas ng bungo.

At ang palagi kong naaalala: isaw, bituka, paliko-liko, mahabang-mahabang bituka ng baboy na hinihimod ang dugo at hinugasan ng mga manginginom kong tyuhin bago gawing mainit na papaitan sa kasal ni Ate Annie.

3.

Kumusta raw ako, mukha daw akong bagong gising, mukha daw akong problemado. Masakit ang ulo ko pero hindi ko alam

kung saan ako hahawak.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

2 responses to “Ikatlong buwan

  • Hiroshi H.

    Tangina sumasakit ang bituka ko kapag nakakabasa ng tungkol sa mga aksidente sa motorsiklo, tungkol sa mga nilalabasan ng karne sa utak! Gusto ko iluwa ang mga sarili kong bituka. Ayoko ko na maalala ang aksidente sa tapat ng bahay. Dose anyos ako, ng makita kong sinasagasaan ng Elf truck ang akin pinsan. Sakay ng bisekleta, binangga ng sadya dahil sa selos. Nabiyak ang ulo. Nawalan ng takip. Tumayo pa ang tao at pinilit na itayo ang bisekleta. Ngunit wala na siyang ulo. Parang manok na pinugutan, ngunit nagtatatakbo. Nagbabaka-sakaling makaligtas. Pitong araw, tumingin ako sa kabaong. Buo na uli ang ulo. Ngunit basag ang mga alaala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: