Ang gong

Sa Barrio Fiesta masarap na masarap ang Kare-Kare. Kahit sang branch. Malapot ang sabaw at hindi mukang malabnaw na peanut butter. May texture. Malakas ang karakter. May personality. Malambot na malambot ang karne ng baka, pero ang gulay, saktong-saktong lang ang luto. Hindi hilaw ang sitaw, hindi lanta ang talong at buhay na buhay ang pechay. Masarap ang bagoong, gusto kong mag-uwi para sawsawan ng mga indian manggo at frozen singkamas. Kare-kare ang palaging inoorder namin twing kakain sa Barrio Fiesta. Noong gabi ng ika-22 ng Enero, Miyerkules yun, bigla na lang akong tinext ng nanay ko paglabas ko ng gate ng office.

“Anak habol ka, kain kami ng Kare Kare.”

Humabol ako at pagdating ko ay may live na tumutugtog ng piano na puro love songs, parang nakaDavid Pomeranz playlist. Special night. Umupo ako sa pang-apatang na table katabi ng bakanteng upuan, magkatabi ang mag-asawa. Hinatdan ako ng plato ng waiter.

“Sarap talaga ng Kare Kare dito”, sabi ni Papa.

“Bakit kaya sobrang sarap ng Kare Kare dito”, sabi ko.

Biglang nagsalita ang babae sa katabi naming table. Mag-isa lang siya dahil nakasuksok pa sa ialim mesa ang mga upuan sa pwesto niya. May mga puti na syang buhok pero well moisturized ang pisngi at noo, alam kong mahigit singkwenta na pero hindi ka naman mapapahiya kung ipakilala mo syang 40 something. Yung kulubot lang sa kamay ang magsusuplong sa kaniya sa katotohanan.

“Dahil sa gong…”

Nakatingin sya sa amin. Isang hello-dapat-alam-nyo-yun-kasi-it’s-a-trivial-matter na tingin, pero hindi naman mataray.

“Masarap ang Kare Kare dito pero mas masarap pa ito noon. Tatlong ul… sampung ulit pa sa sarap nito!” OA man pero kumbinsido sya sa sarili niyang tono at mukha.

“Noong ginagamit pa nila ang gong”, buntong hininga. Itinuro niya ang gintong dekorasyon sa likod ng tatay ko. Humugot sya ng  hininga gamit ang bibig, sabay titig sa mata ko.

“Tamang lapot, tamang lakas ng apoy, tamang bilang ng paghalo. Tatlo pakanan, dalawa pakaliwa, taas baba taas baba. Bilang na bilang ang paghalo, kontroladoa ng bilis. Perpekto ang hiwa ng mga gulay, sukat abwat pagitan, bilang angpiraso, hindi pwedeng tantiyado, hindi pwedeng hindi sigurado. Itinuturo ito pero hindi matututunan. Hindi makukuha sa pagsasanay ang perpektong Kare Kare. Maliban kung gamitin ang gong. Pagtunog ng gong, pag-alingawngaw ng echo ng mababang tunog, ng tunog ng kay bigat-bigat na bakal, ng pagtuktok ng kahoy sa metal, bigla ay nagiging mga tautauhan silang lahat, pare-parehas sa paghiwa, sa paghalo, sa hawak ng kutsilyo, sa pagtadtad sa bawang, sa pagdurog sa mani, sa pagkurot sa asin. Kumikilos para sa pinakamasarap na Kare Kare. Hindi sila nagugutom. Hindi sila nakakaramdam. Hindi sila nag-iisip. Hindi na kami tao.”

Gong

Ang mahiwagang gong ng barrio Fiesta.

 

Photo0282

Sarap na sarap ang tatay ko sa Kare Kare, wala pang gong yan.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

One response to “Ang gong

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: