Lumabas na

1. Lumabas na ang resulta ng Annual Physical Exam. Dalawang bagay:

  • may scoliosis daw ako sa thoracic spine, at
  • mababa pa sa normal ang lebel ng cholesterol ko (kung nasa pagitan ng Visayas at Luzon ang normal, nasa Tawi-Tawi pa lang ako).

Yun lang. Maliban sa underweightedness na hindi naman nakakagulat, ever since the world began.

Tungkol sa scolio, mukhang hindi naman malala ito. Though, hirap akong baliin ang katawan ko pakanan kaysa pakaliwa, yun kaya yun? Maliban dun, na pwedeng dahil lang din sa paranoia (may scolio ako! may scolio akooooo! why??? why me! nooo!!!), wala naman akong ibang nararamdaman sa likod. Pwedeng dahil din to sa TMJd ko pero pagaling na yun. Ilang taon ko nang pinapatherapy yun (oo, hanggang ngayon). May scolio din ang bunso naming babae, mas malala sa kaniya dahil kitang-kita mo na na wala sa gitna ang lower spine nya.

Tungkol sa cholesterol level, may pag-aaral na nagdudulot ng depresyon at anxiety ang mababang cholesterol.

For example, over a long period, very low cholesterol levels increase the odds of hemorrhagic stroke, which occurs when a blood vessel ruptures and bleeds into the brain. Such strokes are more likely in individuals with low cholesterol levels because blood with small amounts of cholesterol does not clot as easily. However, and ischemic stroke (which is far more prevalent) occurs when clots or other material blocks blood flow to the brain — cholesterol is a major source of such blockages.

Cholesterol also plays a role in brain function. It appears that insufficient brain cholesterol hinders the action of serotonin, a chemical that carries messages between brain cells and that is closely associated with mood. Abnormally low cholesterol levels have been linked to depression and anxiety. (http://cholesterol.about.com/lw/Health-Medicine/Conditions-and-diseases/Can-Your-Cholesterol-Be-Too-Low-.htm)

Kailangan kong dalasan ang pagkain ng itlog.

2.  Wala na kaming graphic artist. Huling araw niya ngayong Biyernes.  Gagawan ko siya ng post tungkol sa huling limang araw niya sa opisina. Aaaaaaat naghahanap kami ng bago. Gusto ng boss ko ay lalaki, maalam sa photoshop, illustrator at flash player, at hindi iyakin.

3. Hindi ako nakaligo sa unang ulan ng Mayo. Nagmartsa ako sa graduation last April 28!, kahit pa noong Summer 2012 pa naman ako technically natapos.#

Palatype na palaka.

Office toys 1: palatype na palaka.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

2 responses to “Lumabas na

  • piyesanimayeth

    Pinaka-bet ko yung #3, hindi nakaligo sa unang ulan Mayo. Masayang achievement yan, hehe.

    • Pol

      Nung nasa Nueva Ecija pa kami, when we were young, pinapaligo kami ng lola ko sa unang ulan ng Mayo – pampagaling at pampalakas ng katawan daw. Palagi kong inaabangan to hanggang ngayon. Unang ulan ng Mayo, nasa opisina yata ako, alas dos ng hapon, at init na init sa buhay. Dyahe lang kasi talagang bigla na lang maligo sa ulan at magtrabaho hanggang alas sais nang basa ang medyas at brief. Unang ulan din ng Mayo yung Mayo Uno mob para sa’kin, at di rin ako nakaligo doon. Yun, yung mob, malakas ding magpagaling at magpalakas ng katawan yun, alam mo yan :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: