365, 364, 363

365
Nakakatakot maging bulag. Nakakatakot isiping hindi ko na makilala ang sarili ko, pisikal at lahat ng aspekto, kapag wala na kong nakikita. Tinanong ng Tita ko kung horror daw ba yung “Blindness” ni Saramago, na natapos ko habang binabaybay ang NLEX paluwas ng Valenzuela pagkatapos magbagong taon sa Bongabon. Sabi ko hindi naman siguro.

Pang-ilang magkakasunod na taon na namin itong nagbabagong taon sa Bongabon, at paulit-ulit rin naman ang mukha ng selebrasyon doon. Ngayon mas maaga lang akong natulog, kasing aga ng pagkawala ng celebration atmosphere sa buong baryo. Pagkatapos kasi ng countdown, pagkatapos ng putukan, madilim na naman. Napagod na rin akong kumanta, nakanta ko na ang lahat ng 90s rock noong tanghali pa lang pagdating nang videoke. At mahal na ang beer!, ipinaubaya ko na sa mas nangangailangan ang paglaklak.

Balik lunsod. Hello, 2013. Paalam D. Kinailangan kong makipagkita, sulitin ang last day of official holiday season, para magpaalam at makinig, ulit, ng mga nguyngoy niya sa pag-ibig, at buhay. (Dapat di ako nakikinig ng mga replay na ngasngas, nawawala yung regal ng first time. Kailangan kong tandaan ito.) Ilang buwan bago kami magkita muli, sana wala kaming komunikasyon sa mahabang panahon para makapag-ipon ng kanya-kanyang kwento. Para sa mga panibagong first times.

364
Balik trabaho. At may bagong trinatrabaho.

Pinababalik ako sa basics ng mga sirkumstansya. Basic na pagkilala sa sarili, basic na ginagawa, basic na gusto, basic na tanong, basic na sagot. Marami rin kasi akong shits last year, at sa unang kwarto ng taon ay naka-phase pala ako para langisan at paganahin ang mga bagong diskubre kong kakayahang napulot matapos maglibot-libot at magtingin-tingin sa kung saan-saan. At maliban sa dahil ito ay mga bago, katulad ng lahat ng first time, ayokong aang-anga, hindi para mapagtawanan, gusto ko ngang mapagtawanan at mapahiya pa dahil nagkamali, ang iniiwasan ko ay iyong makasakit ng hindi malay.

Dumadalas rin ang pagiging iritable ko sa maliit na bagay, sa lahat ng bagay, damay-damay. Pagkatapos ay lungkot. A, so much for my first day.

363
Alam natin kung ano ang ating gusto. Gusto kong maniwalang, mas madalas, hindi lang natin to mapangatawanan. Sa ngayon.

(Niregaluhan ako ng “Wag Lang Di Makaraos” ni Atalia ng kaopisina para sa Pasko, at kakatapos ko lang ngayon. (Nakadalawang libro na ako agad, hindi pa tapos ang January!) Hindi ko gusto si Atalia, kasi medyo konserbatibo at tradisyunal ako sa estilo. Pero hindi ako galit sa kaniya, hindi ko siya kinasusuklaman.)

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: