fly-over

Palungkot nang palungkot ang mga rush hour ko. Mas maikli na ba talaga ang liwanag kapag December? Paglabas ko nga ng opisina minsan, ang pait-pait sa mata ko ng mga tail lights na parang Paracetamol tablets. Parang mga butlig na maliliit, mapupula, marami. Pero sa kabaliwan, minsan, pati mga sasakyan kinaiinggitan ko, buti pa sila may siguradong ruta: northbound o southbound lang ang lane ng kanilang mga palad, mamatay ka man at muling mabuhay bilang bus o stainless steel na owner-type jeep sa kahabaan ng EDSA, same-same.

Sobrang kabaliwan na kumalat na yata hanggang sa talampakang nagmamaktol tuwing dumadaan ako sa mga luma at rutinaryong sidewalks. Iyak nang iyak lahat ng pores, ang baho tuloy, kapag hindi ako na(gpapaka)ligaw, kapag hindi (sinasadyang) nakakatalisod ng mga old friends on old places, lamenting our old stories, so it could re-expire and poison us more, over old and cold beer. Mag-iisang dekada ko nang ipinipilit ang sarili ko sa bus pa-Malinta Exit. Ito’t ito pa rin ang highway, ang NIA, ang Quezon Ave. fly-over, ang SM, ang Muñoz, ang Balintawak, pero hindi ka masasanay.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: