Dear a,

May sense pa ba kung tanungin ko kung mahal mo pa s’ya? Alam ko naman, oo. Ilang porsyento? Ilang kilo pa? Kasing taas ng ano? Gaano pa kabigat, tatlong kalabaw ba? Paano mo pa s’ya mahal? Parang hangin na hinihinga o parang paborito mong UP shirt na hindi mo ibibigay kahit kanino? Gusto kong tantyahin mo para kapag sinabi ko sa’yong “nagbago na s’ya” alam ko kung magpapakamatay ka na ba o iiyak lang hanggang umaga mag-isa. Ang inaalala ko, ang layo mo kasi. Walang pupunta sa’yo d’yan pagkatapos ng trabaho na magdadala ng potchi at beer para makihati sa bigat ng dibdib mo. Makakatulong yung kinse pesos na isang text, o pm sa fb, pero wala pa rin kami d’yan. Ikaw lang ‘yan. Ikaw at lahat ng magastos na distansya natin at yung lungkot na walang katumbas na piso o dirhams. Mahirap na kung mahirap. Nagkataon lang na doble sa parte mo kasi mabuhangin d’yan at mas malaki ang tyansang madalas kang mapupuwing, at maiiyak. Ingat ka.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: