Kapag Pagadian

Lumipad akong Ozamiz (Ozamiz, Ozamiz, parang beking pinsan ni Ozawa) nang walang kaalam-alam kung nasaan ang Ozamiz. Basta nasa Mindanao, go! Fly! Nagbiyahe ako papuntang Pagadian. Walang takot. Wala naman akong alam tungkol sa lugar. Hindi pala palaging totoo na natatakot tayo sa hindi natin alam.

Ang sidecar ng mga tricycle sa Pagadian ay nakatingala, nakaharap sa langit. Parang roller coaster ready to launch. Kasi baba-taas ang mga daan, ngudngod ka kung nakalebel lang ang mga upuan. Diridiretso ang mga daan dito papunta sa dagat kung mawalan ka ng preno.

Sa Pagadian ako dinatnan ng mga balita. Balitang bago, pero hindi nakakagulat. Wala na, only innocence surprises me. Sa Pagadian, noon pa lang, ako nagkaroon ng oras magproseso; mga balita over beers, over cofee, overkill. Medyo nalipasan na ako. It was “best before” that time, and every now is another now’s history, panis.

Isa ito sa mga kinatatakutan ko, malagay sa patag, stable state. Energy. Mae-excite lang ulit tayo kung may papasok na malaking energy, at may lalabas ding energy?

Dito, nakasubo at babad na ang lahat sa dagat.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

2 responses to “Kapag Pagadian

  • Sine Qua Non

    Sa Pagadian sumulat kami ng mga kanta tungkol sa mga nauubos na isda at magsasaka, nagdurugong mga ilog at mga gubat na sumasabog. Yung isang talon na pinuntahan naming nakakubli sa isang bundok, sementado ang sahig na binabagsakan,

    • Pol

      Tulad ng iba pang lupalop sa Minda, sa mata ko lahat sila mukhang Malolos City – may Jollibee, McDO, mall na dadalawang storeys, bar, coffee shop! wow taray shala talaga, banko, cable tv, internet shop – developed (in LGU’s terms) pero isang tricycle lang, o minsan lakad lang, wala nang kuryente, pawid na ang mga bahay, bundok bundok bundok dagat dagat bukid bundok dagat dagat bukid bukid bukid pa rin, fourth world (kung merong ganun). Nakapupunta na ako sa mga hindi ko naisip na mapupuntahan ko, pero hindi ko nakikita yung mga gusto kong makita/ dapat na tinitingnan ko. The irony of my chances. Gustong-gusto kong makaligo sa falls. Will be on Pagadian second week of Nov., saan doon ang falls? :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: