Darak

Pagkain ng baboy. “Darak” ang tawag namin dito sa Bongabon. Ito ang by-product kapag nagpakono ng palay para ihiwalay ang ipa at bigas. Ang pagpapakain nito sa baboy ay isang tabo ng darak na hahaluan ng kalahati hanggang isang tabong tubig hanggang sa magmukhang maruming Cerelac o baby poo. Depende ang tubig sa estado ng dumi ng baboy – kapag nagtutubig kailangan kaunti lang ang tubig, kapag tinutubol ay dapat dagdagan ng sabaw. Ngayon pagkain na rin pala ito ng tao. Ang tawag dito ni Mama rice bran, shala!

Darak. The Rock. Same banana.

Clean and green, fit and right na naman si Mama at may bagong mga alternative na pagkain. Meron syang food suplement na likidong kulay berde at gawa raw sa chlorophyll ng halaman, mahusay daw itong tulungan ang panunaw. Mapakla, lasang sariwang sanga ng gumamela. Hindi naman ako tinubuan ng dahon; siguro kung nakarami ako kaya ko nang magphotosynthesis. Meron din syang cayene capsules (ang laman ay gawa sa pinulbos na sili) na pampasigla raw ng katawan dahil nakakapagpainit. May pinulbos na uling din kami, activated charcoal, na pamalit sa Diatabs at Lomotil, na nakaka-adsorb ng lahat ng masamang kemikal, lason, kasalanan, kasamaan, hirap, sakit at kapighatiang pwedeng sadya o di sadyang makapasok sa katawan. At ang pinakabago nga ay itong darak.

Parang pinong pulbura, mas kulay kahoy nga lang at mas mabuhangin ng kaunti sa pulboron. Malapit-lapit na rin ‘to sa pispis na nakukuha kapag naglalagari ng kahoy. Ihahalo ito tuwing magtitimpla ng kape (para huwag antukin sa pagsusulat ng mga papel at projects). Ihalo rin daw namin sa kahit anong mainit na inumin – sa Tanglad tea kay Mama (na malapit na kamag-anak ng Pansit-pansitan Tea, ibang istorya na naman ito), sa Milo ni Ampon – kahit sa mga sinabawan – sa breakfast cereal, sa oatmeal, sa noodles, sa mainit na kanin at Knorr soup (DaraKaKnorr!, sabi ni Geli de Belen), sa mainit na paligo? sa mainit na ulo?

Madededma mo naman kapag nakahalo na, amoy cinnamon pa nga kapag umuusok pa ang inumin. Meron ding honey scented darak. Mayaman ito sa fiber at Bitamina B, pampadumi. Hindi lang maalis sa isip kong pinapakain namin ito sa mga baboy.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: