1988

Sinadya ko kanina yung, tawagin na lang nating, Jorge Booksale, dahil hindi ko alam ang lugar. Baka nga walang pangalan yung tindahan.

Isa ito sa mga aleluya ng pagkakataon sa lugar namin – may booksale malapit sa bahay (technically, 1 jeepney ride away). Mga lumang libro, halo-halo. Maraming Filipiniana books, sobrang ligaya ng mata ko. Iniisip ko kung taga-UP ba ang mga anak ng tindera kasi yung iba may code pa ng mainlib sa gulugod ng libro. Marami ring red books – reading on Marx, reactions on Lenin, China, Russia. Maraming Ocean Deep books (philosophy), as I call it, na pinagbibili ko na rin yung iba.

Ang pinakapanalo kong nahanap, so far, ay hardbound copy ng State of War ni Rosca. Epic win. Amoy amag, di ko pa nabuklat baka mapulbos.

Ang napulot ko naman kanina ay lumang lit folio ng Kule. Marami rin silang lit foliong tinda doon (pero mas marami na akong napulot kung kani-kaninong koleksyon), mga Heights at Malate. Nag-iisa lang itong sa Kule at swerte ko, 1988!

literary folio, 1988, Philippine Collegian. Anong buwan, petsa, kaya ito iniluwal? Sabay kaya kami? (Ang cover daw ay gawa ni Alwin Reamillo mula sa pinagtagping stills ng Battleship Potemkin at cover ng Turn of The Century.)

Wala naman akong dalang maraming pera kanina. Ang dami ko pa namang pinili. Ipinatabi ko na lang muna yung mga Marx-Marx criticism ek-ek, at yung college teksbuk ni Renato Constantino. Pero may binili din akong isa pang Renato Constantino, “The Nationalist Alternative.”

Tagapagligtas ko si Constantino kasi nakakahiyang isa lang yung bilhin ko samantalang nabaligtad ko yata yung bookstore kakatingin ng libro. Halos higit tatlong daang piso pa yung pinareserve kong mga libro. Nakakahiya na iisa lang yung iuuwi ko. Ayun, dalawa na sila ng lit folio.

Kinuha ko na yung folio kasi nga 1988. At panahon din kasi ng gawaan ng mga lif folio ngayon. Kami sa Kalasag, yung Kule may ilalabas din sa pasukan, yung Ugnayan ng Manunulat ay maraming-marami pang utang na folio at zines na dapat i-launch.

May mga pamilyar na pangalan, ano kayang istura nila dati? May malapit-lapit na pagkakahawig ang lahat ng akda: komentaryo kung komentaryo, mapilit at mapagtakda para sabihin ang dapat sabihin tungkol sa paninindigan, social realism, at kaliwang assertions. May mga tula na ng demolisyon, pagtatanong sa papel ng pagsusulat, kahirapan-kahirapan-kahirapan, grabe, mahirap pala talaga ang lahat, ang mabuhay.

Hindi malayo ang mga ito sa sinisintimyento sa mga sulatin, Filipino o Ingles man, noon hanggang ngayon. Pero iba yung kawasakan ng mga nagbabasa ngayon, may kung ano-anong hinahanap sila sa sarili nilang ulo at sa ulo ng iba (palagay ko sila ang pinatatamaan ng numo-nom de plume Guiller Revilla sa kaniyang “Clarificatory Notes Towards A Fuller Understanding of Dialectical Analysis”). Ang galing di ba, as if nag-iiba ang sagot sa tanong, para bang iba na ang kaaway at akala naman nila ay may iba na ring namumuno sa paglaban. Wasak yung mga sanaysay, siguro inihuhulog mula sa tuktok ng Vinzons yung mga luma-l’art pour l’art nung late 80’s, na nakahanap ng maraming kakampi pagpasok ng 90’s.

Ito, ayos ‘to, love love. Isa sa mga nasa loob ng folio. Yung buong tula ay nandito kay Mayeth.

Sinta,
Ikaw at ako
ay may kahati
sa ating love affair:
Ang kapwa mababangis na
Rebolusyon
Sa loob at labas
Ng ikaw at ako.

-Amor M. Datinguinoo
Pigilin Mo Akong Mangarap, Mahal

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: