Countdown 1

1
Isang panawagan para sumabog at magimbal,
muli, kahit isang araw lang, sa buwan
ng mga ginupit na puso at kupidong hubad.
Pilasin ulit natin ang rutinaryo ng maghapon,
abalahin natin ang bulwagan ng mga hibang
o paralisahin kunwari ang kalingkingan
at tungkil ng ilong ng matandang halimaw.
Parang pulubi ang mga krisis na nakakasalubong
araw-araw, unti-unti’y nawawalan ng mukha,
nagagasgas ang lalamunan, utal sa maikling dila,
wala na kahit nangangalansay na brasong itataas
upang ikaway at saklutin ang mailap na pansin
ni Pol dahil late na naman sa Math 1.

 

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: