Ningning

Nakaupo ito, parang matapobreng reyna,
sa ibabaw ng asul na unan ng sofa
na nakapatong sa mababang lamesita katabi ko,
Inilipat ko ito mula sa aking kandungan
matapos ang sampung beses kong pagbugaw
para ito bumaba, at umalis, at lumayo.
Hindi kaya ng balat ko
ang nangungunyapit nitong mga kuko
na tumatagos sa aking salawal,
tumutusok parang matatabang karayom.
Makapit na kalawit na kuko
na mahirap alisin parang amorseko
sa mga tela at lana.
Maya-maya mag-isa na ito sa trono;
nakatitig sa akin ang holen na mata
na sinusuklian ko nang tingin: magtigil ka.
Tumayo ako at lumundag ito, lumakad ako
at sumunod ito na nauna pang pumunta
sa madilim na kwarto at nauna rin pabalik
sa pinanggalingang upuan sa harap ng computer.
At ulit, lumukso pakalong sa aking mga hita.
Inot-inot na umikot, batugan at tahimik
na inangat-binaba ang unahang mga biyas,
inunat-binali ang mga daliring kalawit,
kinakapa ang alaala, “saan ang iniwang lugar ko?”
Papanatagin si aligaga ng mga daliri ko
sa mapuputi nitong balahibo mula ulo hanggang likod
pahagod-hagod. Bubuntong-hininga ako ng awa,
at mapapagod na na muling itaboy ito at bumaba.
“Naghahanap lang ng buhay na kasama.”
At kapag pagod na ang reyna ay ihihiga ang ulo
sa isang braso at ihuhubog ang payapang katawan
sa pagitan ng mga kalungan. Sa mas lumalim pang dilim,
simulan na ang mahabang gabi.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: