The season to be jolly

A, ito na naman ang panahon. Ganito tuwing simula, simula ng sem. Forever na lang may mga labo-labong baby talk at pagdidildil sa ulam na walang asin, walang lasa.

Sa dalawang linggong (gaano nga ba katagal?) na katumbas ay habambuhay ng make it or break it decisions, na minsan ay tinatawag ding sembreak, hindi maiwasang bumuo na rin ako ng sariling idealizations kung paano gagana at uusad ang buhay ko, at buhay ng iba (oo (ngayon ko lang naisip ang pagkontrol ko sa buhay ng iba) ginagawa ko iyon), sa mga susunod na buwan, etc.

Pero pagkatapos ng dalawang linggong pag-ibig, katulad ding ng kanta ni Imelda Papin, “at pagsapit ng linggo giliw ako’y iyong…” dradramahan at magpapaalam na hindi ikaw ang inaasahan ko at hindi mo kaya ang kahit ano. Ulit. Narinig ko na ito. Nasabi ko na nga ito sa sarili ko. Parang kanta din ng Salbakuta, “wasak na wasak ang puso” blabla.

Hi there, pogi

Gusto kong gumawa ng documentary. Parang 500 Days. Bawat isang tao: This is the ideal… Tapos, The reality: juxtaposition ng katotohanan, mga kahinaan, tambay moments, at di pagpakat. Hindi naman ako ideyal talagang tao, kahit sa mga tao. Pero, pinag-isipan naman ang lahat, sinubukan sa real world, sa real practice, kaya kung hindi igigiit ang plano, and its subsequence, ay bubulusok.

Bakit ba umabot sa ganito? Sabi ko lang sa’yo, wala namang lag time sa totoong buhay kasi oras lang ang hindi nagbabago ng direksyon, lagi yang pasulong. I-pro-prolong lang natin ang lahat, wala pa din naman tayong substansyal na iiwan, tapusin na natin ang maikli at maliit na gawain para maka-move-on na tayong lahat.

Sa’yo Summer Sunshine,
J

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

3 responses to “The season to be jolly

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: