Typical, typical?

Bisperas
Jeffrey Jeturian
Best Picture, Cinemalaya 2011

A typical story of not a typical Pinoy family?

Bisperas ng pasko, sumama sa Panunuluyan (isang klase ng prusisyon) ang buong pamilya, pagbalik ng bahay ay magulo na ang buong bahay at nawawala pa ang ibang gamit. Sa kabila ng pag-aayos ng kalat at paghahanap sa mga nawawalang gamit, may mga isyu, natatagong damdamin at hinanakit ang nakalkal ng bawat isa.

Iba’t ibang lebel ng pagtuklas sa pag-usad ng pelikula. May mga librong hiniram na hindi isinasauli, may mga bagong hand-me-down na pantalong maong ng kasambahay na nawala, may malaking halaga ng pera na dahil nalimutang ideposito sa bangko ay nanakaw din, at may titulo ng lupa na pinagdududahan ba kung nanakaw o naisanla na bago pa ang nakawan. Itinawid ng sapin-sapin na pag-ungkat at pagsisiwalat ng mga gamit at damdamin ang istorya; ito na rin ang lumulikha ng transisyon at sabik para sa nanonood.

Ang problema ko, palagi akong nakukulangan sa bigat at lalim ng komplikasyong lumilitaw sa paggalaw ng pelikula. Halimbawa, ang tungkol sa titulong naisanla ng sugarol na ama (Triso Cruz), sa perang hindi naideposito dahil hindi naman maipagkatiwala sa sugarol na tatay. Halos ang karakter lang ng tatay ang naungkat at napangatawanan. Sumawsaw kalaunan ang hinanakit ng balikbayang anak (Jennifer Sevilla) kung bakit hindi sya nagbibigay ng pera sa pamilya.

May mga karakter sa pelikula, isang closet gay na si Mio (Edgar Allan), at maangas na anak na babae (Julia Clarete), na pakiramdam ko ay hindi gamit para mas padulasin ang daloy ng pelikula. Naging bagahe at draggy ang paglabas-pasok ng ibang karakter – tulad nina Heidi at boylet nito, ang kasambahay at si Jojo – na hindi maksimisado para makatulong sa para maglinaw sa ilan pang backstory at sa kabuuan ng conflict at resolution ng kwento. Pinangatawanan na na magsimula at magtapos ang pelikula nang sobrang simple.

Pwe-pwedeng ito ang limitasyon ng third person POV na hindi omnipresent. Hindi sana ito naging isyu, iyon nga lang ay limitado pa ang cinematogrpahy (dahil sa pagkahilaw ng teknikalidad bilang isa nga itong indie) sa pageksahera ng imahe.

Kahi pa ganoon, hidni naman naging masama ang pag-arte. Mahusay nga ang pagganap ng nanay. Pero hindi din naman naitulak ang mga ito sa sukdulan ng paglikha ng kumplikasyon, para itaas ng isa pang baitang ang level of difficulty.

May pakiramdam din akong konti na lang ay magsesermon na din ang pelikula. Pahabain lang ito ng sampu pang minuto ay may narrator nang magsasalita at mangangaral ng halaga ng isang masaya at buong pamilya. Kumbaga, nasa dulo na nang dila. Drama kung drama. Gusto ng komersyal na market ang mga ganoong may lasa ng nandudurong moral.

Sa kapayakan ng pelikula, may panghihingi din ng pangmasang apela o tila awtomatikong recognition ng manonood ng kaniyang sarili sa mga tauhan ng palabas, na ang totoo ay sobrang nalilimita naman. Sa akin ay isa pa rin itong Aleluya sa (nagpapantasyang) middle-class na pamilya. Bagamat maaaring may identipikasyon sa isyu ng bawat isang karakter ang manonood ay ibang-iba pa rin sa katotohanang hindi maraming pamilya ay mananakawan ng 82 thousand pesos, o may lupang isasanla, o kahit pa makapagnoche-buena ng magarbo may ispontanyong problema man o wala.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: