Bye 2

Hindi ko pa naiintindihan kung ano ang Historical Materialism pero itinuro na yun sa klase namin sa Kasaysayan 1 ni Prop. Ambrosio.

Ang daling intindihin at maliwanag. Ganito nya itinuro: may dalawang parallel na linya siyang drinowing sa blackboard na nagsasalubong at naghihiwalay ulit. Sa una, magkahiwalay, ganoon din sa dulo. Tatlong beses na nagsalubong ang linya.

Ganito daw ang kasaysayan ng Pilipinas, nagsimula sa pagkakawatak. Nagsalikop noong 1896 Rev, Digmaan laban sa mga Hapon at Kilusang pagpapatalsik kay Marcos. Sa pagitan ng pagsasalikop na ito, naghihiwalay ang mga Pilipino. Sa itaas ng linya ng kasaysayan yung nagpapanatili ng status quo at nakikinabang dito, at sa ilalim yung hanay ng masa — hindi kilala, walang mga mukha — na nagpipilit palayain ang bansa at baguhin palagi ang sistema.

Sinabi ni Ser, ang kasaysayan ng bansa, kung paano namin ito alam bago niya ituro, ay kasaysayan ng mga nasa itaas na linya — kasaysayan ng mga Presidente, ng mga illustrado, ng pinakamayayaman, ng burgesya. Tinanong niya kung kilala ba namin si Papa Isyo, si Apo Ipe, at kung sino-sino, ano-ano pang pangalan at grupo. Syempre, di ko kilala. Iyon daw ang mga nagrebolusyon na di na binabanggit sa mga hostory books. Pinakamarami sa kanila, sa panahon ng Amerikano.

Isang beses, pinagsabihin niya ako sa paglabas sa klase ng maaga. Ang tagal kasi ng klase namin, at umaalis ako kasi may mob. Tinawag niya ako minsang pagkatapos ng klase, bakit daw ako tumatakas. Nagpaliwanag naman ako, ang sabi niya ay magsasabi daw ako. Ang biro niya, kaya inaabot ng apat ng dekada kasi hindi ipinapaalam. Di ko pa nagets yun dati, newbie tibak pa lang ako noon.

Sa klase din nya, nakabisado ko ulit ang mapa ng Pilipinas. May eksam kami kung saan may blangkong mapa, kailangan mong isulat kung anong probinsya ang alin at ano ang kabisera. Hanep yun. Grade 4 ako noong una kong ginawa iyon. Yung mga kaklase ko sa klase ni Ser Dante, kung hindi GC, hindi pinagtyagaan yung eksam — kebs-kebs. Salamat, ser, atleast alam kong hindi pa Visayas ang Catanduanes at nasa Mindanao ang Iligan (iba pa pala iyon sa Ilagan na nasa Isabela).

Pala-absent na din siya noon. Sabi niya kailangan daw kasi nyang rumaket, ang liit kasi ng sahod sa UP, at saka palaging sumasakit ang dibdib nya dahil sa init ng summer. Nalungkot ako nang malamang di na siya nagtuturo noong nakaraang first sem, malala na pala ang sakit niya at sobrang barat pa rin ng sahod bilang propesor.

Ngayon, wala na si Ser, medyo may konting alam na ako tungkol sa HM, pero ginagamit ko pa rin yung style nya sa pagpapaliwanag: that during crisis, classes meet, then classes clash.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

2 responses to “Bye 2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: