Bye

Minsan ko lang naging guro si ma’am chit. Unang semestere ng unang taon sa J 121 (Newsroom). Simple at mainit siyang makitungo sa mga estudyante. Nahihiritan ng extension sa deadline. Walang hangin ng pagiging “terror”, bagamat talagang mukhang kagalang-galang, propesyunal.

Sa kurso ko sa kaniya, agad niyang tinuro kung ano ang istruktura ng kapangyarihan sa loob ng newsroon. Pero agad din niyang nilinaw ang pagkakaiba ng ideyal kaayusan ng industriya, sa sinasabi sa mga libro, at ang kung ano ito sa totoong buhay – na hindi ka naman talaga makakapagsulat ng kahit anong gusto mo dahil lagi mong ikukonsidera ang interes ng may-ari ng pahayagan, na nagiging magkakaibigan at magkakaaway talaga ang mga boss at empleyado sa labanan ng prinsipyo, na walang ilusyon ng madaling buhay sa pagiging (prinsipyadong) peryodista, na walang pagpapanggap ng masarap na buhay paglabas ng unbersidad at sakaling piliing ipagpatuloy talaga ang pagpasok sa mundo ng pagsusulat sa dyaryo (at maging tagapag-ulat/ tagapagmulat ng mamamayan).

Natatandaan ko, Hunyo iyon at kakatapos lang ng pambansang eleksyon noong Mayo, unang pagkikita ng klase. Tinanong niya kami kung sino ang ibinoto naming presidente. Iba-iba ang sagot, pero mayorya ay si Gordon. Ang sabi niya, konseratibo na daw kaming mga estudyante ng UP. Masyado na daw kaming mga “masunurin”. Pumipili ng mga lider na tagapagpatuloy ng status quo – lalo pa yong mga lider na mahigpit ang ugnay sa US. Mapanghamon, pero hindi naman siya antagonistiko.

Sa mga itinuro niya sa amin sa klase, natatandaan ko kung paano niya itinuro ang halaga ng pagkober sa mga balita batay sa mga sektor ng lipunan. Gusto niyang makakapaglathala ng mga balita tungkol sa mga manggagawa, sa agrikuktura, agham at mga imbensyon at mga kabataan. Tinatanong nga niya kami kung dapat bang inuulat ang protesta ng mga trabahador para sa sahod sa Business section ng mga dyaryo.

Ipinaliwanag niya na marami pang dapat paunlarin ang departamento ng peryodismo sa kolehiyo tungkol sa paggamit ng Filipino sa pagsusulat. Sabi niya, malaki ang bentahe ng mga nagsasalita at nagsusulat sa Filipino sa peryodismo pamamahayag. Pero iniisip kong higit pa sa bentahe ang gusto niyang diinan, kundi ang pagpapahusay ng peryodismo gamit ang salita ng masa. Kaya ang mataas ko lang yata sa grade sa kaniya ay yung isinulat kong editoryal sa Filipino. Nagdadalawang isip nga akong i-post ito, baka bumagsak sa kaniya.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: