Sentimentalismo, ibagsak!

7 n.g.

Dumating ang ipinaayos na CPU ng computer. Mula Enero ngayong taon, tatlong beses na yatang ipinagawa ito. Nakakahiya kay Papa kasi hindi ko naman siya masamahan sa repair shop. Ilang beses na din niyang sinabing pag-aralan naman namin ang pagkukumpuni ng mga gadget sa bahay, pero hindi ko pa nahaharap. Gusto ko namang pag-aralan, wala lang oras. Mahilig din akong magbutingting ng mga kung ano-ano. At wala pa naman akong record nang nasira at hindi na gumanang gamit pagkatapos butingtingin.

Ikinabit ko at binuksan ang CPU. Ayos naman ang lahat maliban sa nabura pala ang lahat* ng laman ng ikalawanag hard drive na pinaglalagyan ng lahat ng file ko. Lahat. Hindi naman ito binubura kahit noong ipinagawa ang CPU. Ano pa bang magagawa ko. Reformatted ang buong memory. Malinis. Mabilis ulit.

Nagbasa na lang ako ng manga. Masama man ang balita, masaya na rin dahil mabilis akong makakapagbasa ng komiks ngayong malinis na malinis ang CPU ko.

Sinipi mula sa papel kong Magdamag, 26 Marso.

 

 

 

*O,  no. You can’t get away just like that! Ngayon ko lang naintindihan na ang lahat ay LAHAT. Yung mga litratooo! Mga sulatin. Kanta! Pelikula, pelikula, pelikula, at mga reading docus na hindi ko na matatandaan kung ano at saan ko nakuha. Hah. But, sometimes, you can get away just like that.

Japan artsy galing dito.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: