Hmp, hindi naworkshop

Ang Board


“NAGPAKAMATAY KA BA TALAGA?”

“Ano ka ba naman.” Mahina pero matigas na anas ni Tessie sa pagitan ng kaniyang mga ngipin. “Huwag ka agad magtanong ng mga hardcore. Simulan mo sabi sa simple. Kahit multo pa yan, nababadtrip at nawawala din sa mood. Mainitin ang ulo ni Angie, o kung si Angie man yan.”

“Itanong mo muna kung sino siya. Baka nga hindi si Angie yan, e.” Pasulsol na utos ni Mike. Naramdaman kong dinunggol-dunggol pa ng siko niya ang siko ko para isenyas na ulitin ko ang pagtatanong.

“A—anong pangalan mo?” Tanong ko ulit.

“Mag-opo ka naman.” Si Tessie.

“Ano po ang pangalan mo po?”

Hindi pa rin gumalaw ang kristal na baso. Medyo binubukas-bukas ko pa ang kanang mata ko para silipin at baka gumalaw talaga ang baso. Baka hindi lang namin naramdaman sa sobrang kaba at pagkabanas. Halos mag-iisang oras na din kaming tatlo sa ganitong posisyon: nakapalibot sa Ouija Board, nakapaikot ang hintuturo sa isang baso na inaasahan naming kikilos papunta sa mga nakalatag na letra, at nakapikit.

Nakita kong nagbukas ng mga mata si Tessie. Natyempuhan akong naninilip.

“Kaloy!” Para akong batang nagjajakol na nahuli ng nanay niya. Bumalik agad ako sa pagkakapikit.

Naramdaman kong inalis ni Tessie ang daliri niya sa baso at agad na tumayo. Nakita ko sa likod ng nakasarado kong mata na lumiwanag bigla ang buong kwarto. Hindi ako natinag na pwesto ko kahit naramdaman kong tumayo at umalis na din sa pagkakaupo niya si Mike.

“Kaloy, kanina ka pa ba dumidilat? Fucking mother of god, Kaloy. Wala talagang mangyayari sa pinaggagagawa natin! Binilin ko naman kanina, binasa ko pa sa inyo yung instruction guide. No peeking for anyone else but the person assigned to write the answers. And that person should be the one closely related to the spirit, by blood or affinity. Ako lang ang pwedeng dumilat muna dahil ako ang magsusulat ng mga letters.” Yamot na yamot na si Tessie pero hindi natitinag ang kinis sa noo at kilay niya dahil sa sariwang botox.

Dumilat na din ako. Nakita kong nakaupo na sa couch si Tessie at binabasa ang instruction booklet. Si Mike ay kakalabas lang ng CR para at tiningnan ako ng sabi-ko-naman-sa-iyo-magbehave-ka na tingin habang nagpupunas ng kamay sa laylayan ng puting Lacoste niyang polo shirt. Tumayo na ako.

“I’m sorry. Chineck ko lang, baka gumalaw na. Tensed na tensed na ako. Baka hindi ko lang napapansin na gumalaw na yung baso dahil sa nerbiyos.” Paliwanag ko habang nakahawak sa kaliwang dibdibko para kalmahin ang nagkakarerang tibok ng puso ko.

“You coward pig. Para multo lang.” Irap ni Tessie.

Hindi ko na pinatulan. Babae kasi. At asawa ito ni Angie, baka multuhin pa ako o kung patulan ko ay baka hindi lalo gumana ang pagkontak namin sa kaniya gamit itong Ouija.

Si Tessie ang nagpropose na mag-Ouija. Nabasa daw niya sa Google at ikinonsulta sa mga amiga niya sa Las Vegas. Epektibo daw ito para makausap ang mga espiritu. Ang pagkaalam ko ay sa France pa niya pina-ship ang board. Sa salitang French daw kasi galing ang salitang Oija. Kahit yung basong gamit namin ay mukhang mamahalin. Pati yung mga kandilang sinisdihan niya bago kami magsimula kanina ay hindi basta-basta – walang masyadong usok at amoy Victoria’s Secret. Kaamoy ng sekretarya ko. At dito din niya piniling sa condo nila sa Ayala gawin ang ritwal dahil dito daw madalas maglagi si Angie kasama ang mga babae niya – malapit sa puso kung baga ang lugar. Maraming happy-happy memories.

“Tessie, compadre, bilisan na natin ito. Pwede ba? Alas sais pasado na. Kapag hinanap ako ni Glo, kailangan ko pang umuwi agad ng Pampanga.” Si Mike habang chinecheck ang cellphone niya.

“Kung uulitin natin ito at didlat lang ng didilat itong si Major General. Kayong dalawa na lang.” May diin pa sa ranggo ko ang sarcasm ni Tessie.

“Ok. Sorry na nga. Sige, hindi na ako didilat. Magconcentrate na tayo.”

Pinatay ulit ang ilaw. Umupo na  kami. Si Tessie sa kaliwa ko at si Mike sa kanan katulad kanina. May ibig sabihin din ang pagkakaupo namin, hindi ko na lang maalala kung ano.

Dasal ulit. Tatlong Our Father at talong Hail Mary. Si Mike ang naglead dahil siya ang madasalin. Pabulong-bulong lang kami ni Tessie at sumasabay sa mga parteng alam namin, halatang hindi na nagsisimba.

“Kaloy, wag ka nang dumilat.” Mariing paalala niya pagtapos ng dasal. “Sige, magtanong na kayo. Light lang. Warm up muna.”

“Spirit, nandito ka ba sa kwartong ito?” Si Mike, sa pinakamahinahong boses niya na halos pabulong.

Maya-maya pa naramdaman kong kumilos ang baso. Iisipin ko sanang baka itinulak lang iyon ni Mike para lang matapos ang ang lahat ng ito pero kinilabutan din ako ng may malamig na hanging dumaan sa magkabilang tainga ko. Doble o triple ng lamig ng aircon. Pero ang buong katawan ko ay init na init at pinagpapawisan.

“Good… good.” Narinig kong sabi ni Tessie. “Nandito na siya. Mike, itanong mo kung si Angie na ito.”

“Anong pangalan mo?”

Parang nakalutang lang sa hangin ang daliri ko. Dumulas ang baso at nagstop-over sa anim na letra. A-N-G-E-L-O. Ito ang mga letrang sinabi ni Tessie tuwing pagkatapos ng paghinto ng baso. Angelo. Siya na nga ito.

“Honey, mahal… anong pangalan ang ginamit mo para sa Switzerlang accounts natin? Yung assets sa America, yung pinagbilhan ng mga bahay sa New Jersey, kanino mo pinaasikaso iyon? Honey…”

“Tessie. Tessie, teka. Wag mong ratratin ng tanong.” Oras ko naman para magpaalala. “Gawin nating paikot ang pagtatanong. Isa-isa lang. Tsaka puro yes or no lang.”

Si Mike ang nauna. “Hawak pa rin ba ng mga tao mo Jayson Guitierrez at ang pamilya niya? Compadre, hindi pwedeng magsalita si Merci. Nandoon ako nang iblackmail natin siya. Idadamay ako niyan, compadre. Ang comadre mo ring si Glo.”

Kumilos ang baso. Yes daw, sabi ni Tessie.

Ako naman. “Alam kong malapit ka kay George, mistah. At ilang beses na kaming sumablay sa pagdispatsa sa kaniya dahil inaalala namin ang usapan nating huwag syang gagalawin. Pero putang ina, ako ang papatayin ni Diomie at Jas kapag hindi pa pinatahimik si George. At si Roy, baka si Roy na ang sumunod sa’yo kung hindi pa sya ligpitin. Malaki ang utang na loob natin at ng pamilya natin at ng lahat ng  meron tayo kay Roy. Mabait na tao si Roy, mistah. At hindi siya kasing tatag mo.”

Kailangan ko pang makipagnegosasyon. Bestfriend talaga itong si George at Angie. Pero mahirap na. Kapag si Roy ang namatay, lalo lang akong madidiin sa imbestigasyon. “Ako mismo ang tratrabaho kay George. Sabihin mo lang. Para alam kong tama ang gagawin ko.“

Napakaluwag ng dibdib ko pagkarinig ng sabi ni Tessie. “Yes” daw.

“Honey, unang-una, sorry. Alam mong aksidente ang nangyari. Napatawad mo na ba ako?”

Kusang kumilos nang mabilis braso ko. Alam kong hindi yes ang sagot dahil sa kabilang gilid nagpunta ang baso.

“Honey, I was just doing you a favor.” Naiiyak, natatakot, nayayamot na sagot ni Tessie. “Sabi mo, i-preserve ang pangalan natin, ang mga anak natin. I made the right thing not just for you but for your family’s name!”

Nanginig ang baso nang hindi umaalis sa pwesto nito. No. No. No.

“Hon, let go of it. Kailangan ko ang account para hugasan ang lahat, tapalan ang lahat, bayaran ang mga dapat bayaran! Hindi na kaya ng mga anak mong magstay pa dito sa bansa! Hindi ko na kaya! Let us leave with our money!”

Nanginginig pa rin ang baso ng sobra. Dumilat na ako, nakadilat na din pala si Mike at nakaalalay sa magkabilang balikat ni Tessie. Nanginginig sa paghagulgol si Tessie. Hindi tumigil ang baso. Malakas ang kalansing nito, parang mababasag habang tumatama sa board. Lumakas din ang apoy ng mga kandilang scented na parang flame thrower. Bigla din kumilos ang mga appliances sa loob ng unit na parang may malakas na lindol. Sumisigaw na si Tessie labas ang lahat ng ugat sa leeg na dapat bumakat.

“Fuck you, Angie! Sabihin mo kung sinong nakakaalam ng account! Hindi ako maghihirap! Hindi na ako maghihirap!” Inaalalayan ko sa paghysteria si Tessie habang sinisigawan niya ang kumikilos na baso.

Maya-maya, umandar ang baso. M-I-K-E. Sabay kaming napatingin ni Tessie sa nag-iisang Mike sa kwarto. Nasa pinto na ng CR si Mike at may hawak na kalibre 45.

“Ang kapal ng mukha mo? Ibigay mo sa akin ang pera! Pero ko iyon, pera ng asawa ko iyon!”

“Tessie, comadre, what I gave him and your family is enough. Its more than enough! Ikaw ang umubos. Ikaw ang pumatay kay Angie, at ngayon gusto mo you’ll have the cake and eat it, too? Kami ang naghirap sa lahat.” Nakatutok kay Tessie ang baril. “Kaloy. Umalis ka diyan. Putang ina. Yang  babaeng ang tumapos sa kaibigan natin.”

Hindi ako nakakilos. Hindi ko na maramdaman ang dalawang braso ko. Para akong naghilamos ng pawis. Pinilipt ko na humigop ng maraming hangin para lumuwag ang nagsisikip kong dibdib. Pero sabay ng pagtaas ng balikat ko para bumwelo ng hinga, naramdaman kong may napigtas kung saan sa ulo ko. Lumuwag ang hawak ko kay Tessie.

Tumakbo bigla siTessie papunta sa bag niya na nasa couch. Bigla ay sang putok para kay Tessie. At sa gulat ko siguro, tuluyan na ding tumahimik ang buong mundo at hindi na ako nakahinga.

“Kaloy! Kaloy!” Naririnig ko pang sigaw ni Mike.

Mike, ang husay mo talaga. Natuto kang mabuti kay comadre. Sayang iniwan ko yung baril ko sa kotse. E, di sana nagsama-sama tayong sinundo ni Angie. Salamat na din at hindi ko bagahe ang sikreto kung kanino ba ang account ng bilyones ni Angie.

Bago ako bumagsak nang nakatagilid ang mukha at nakaharap sa Ouija, nasilip ko pa sa paanan ko si Tessie na naghihilamos sa sariling dugo. Pero bago pa pumanaw ang pinakahuling mga pandama ko, nakita ko si Angie, nakaupo sa harap ng board, nakatingin dito at itinulak ang baso papunta sa Goodbye.#

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: