Tsunami

5:03 p.m.

Kung magugunaw ang Pilipinas ngayon
nasaan kaya ako?

Baka kausap ko si Tris, o si JP
O hinihintay dumating si Jamie.
Baka nasa UP,
Sa sulok-sulok ng Vinzons
Sa pulang sahig ng second floor
O sa 1.5 at nakahara sa mga pababa,
Kausap ng isa o dalawa
Habang nakahawak sa sentido
Na nagtatasa at pinupuna
Ang mga ginawa sa buong linggo
At yung maghapong larga.

Baka nasa stonebenches
At nag-aabang ng mga kasama
Para ipaalala ang pulong
Sa lunes ng umaga
Pati na ang pag-aaral
Bukas at sa linggo.
Pwedeng nagyoyosi ako o hindi.
Pwedeng kumakain ako
O basta lang nakangiti.
Pero tiyak na nag-iintindi
Ng kung bakit wala pa sila
O kung bakit wala man lang pasabi
O reply sa mga text kong marami.

Kung magugunaw ang mundo ngayon,
Ngayong hapon,
Alam ko kung nasaan ako.

Kakainin ako ng tubig
Ng malaking alon na sasabog
Na parang dagat na iniputan ng pugita
Ang buong langit at lupa
At sa lahat ng sulok
Sa ilalim ng mga tumutuping dahon
At sa mga nakatamemeng bato.
Ngunit mabilis at hindi makupad
Ang paglukob, bigla
At marahas ang paglamon ng tubig
Sa lahat-lahat.

Larawan ni Michael Brown.

***
May bagong mga tula si Edel tungkol sa mga nagaganap sa Middle East. Si Sir Arao ay may article tungkol sa pagbuo ng isang national association for bloggers :)

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: