Un-

the fire that melts the butter is the same fire that hardens steel

 

Alam mo, namamatay ako habang nalulungkot ka.
Umiyak na ako ng tuyo ang pisngi at mata,
mas masakit. Para ‘tong atake sa puso
kapag tumawa ka daw ng walang tunog.

Nakakapagod.
Pero dati pa tayong pagod.
Magpapakapagod at magpapakamatay sa pagod:
nangako ba tayo ng ganun?
Sasabog kaya ang puso ko? Aapaw,
mapupuno ng tubig galing sa mga iyak
na wala namang luha,
galing sa mga tawang walang tunog.
Tumitiklop na yung likod ko
sa kakabuhat sa hindi nahahawakang mabigat.
Kung pwede lang yakapin ang sarili
at malukot ang katawan.

Pero alam mo, hindi ako mawawala. Ayaw kong umalis.
Naiintindihan ko palagi ang galit. Pwede akong mamatay
sa lungkot, takot, o pagod.
Ano ba naman ito? Wala pa ito, wala pa ito.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

One response to “Un-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: