Charmis

Charmis ang paboritong kulay ng nail polish ni Inang (Lola Rosing). Parang pula na maroon na magenta na may pinumpinong glitters.

Hindi ko alam kung totoong kulay yun, malamang imbento lang niya. Pwede ring iyon talaga ang kulay na nakalagay sa bote ng Caronia. Dahil, oo, hindi na kayang pangalanan ng color wheel ang pwedeng kulay ng kuko.

Kasama namin siya sa bahay hanggang bago siya mamatay noong 2001 (yata). Paborito niya akong apo.

Nag-away lang kami noong minsang magpaakay siya sa akin na maglakad. Mataba siya, sobrang bata ko pa at sobrang payat ko noon. Natumba kami tsaka gumulong-gulong! Nadaganan ko siya ng minsan, nadaganan niya ako ng dalawa. Hanggang mahulog kami sa may parteng may putik at burak. Natawa pa ako noon habang napahiga nga kami. Tapos kinabahan kasi ako lang mag-isa ang tumatawa. Tumayo ako agad, sumigaw ako ng “Paaaaa! Paaaaa! Si Inaaaaaang!” Hindi niya din ako hinalikan ng ilang umaga noon, na rutina niya bago ako pumasok sa eskwela.

Minsan naaamoy ko pa hanggang ngayon, kapag gabing-gabi na, ang amoy nya: pinaghalong Johnson’s baby powder na puti at Family rubbing alcohol na green at ang amoy ng pawis na naipit sa pagitan ng nagpatong na mga nakalalay nang kulubot na tumandang balat.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: