Nakaw

Bihira akong managinip. Nagsisisi akong hindi ko tinatandaan yung mga bihirang panaginip na yun. Wala naman akong dectective story na sinosolve, o signs na hinihintay, pero may kung ano akong hinahanap sa mga panaginip. Palagi kong inaalala ang mga yun, binabalikan at nililinawan na parang madilim na picture ng kakilalang hindi na mamukhaan at pilit nireretoke gamit ang photoshop. But to no avail. Puro linya na lang, pixels.

Ang panaginip ko nung isang gabi ay magnanakaw (theft by profession) ako. O magnanakaw (magsasagawa ng pagnanakaw for the first time) ako sa isang bahay. Kasama ko si C, na sabi nila ay klepto. Nakaback pack pa ako. Maliwanag, tanghali o hapon iyon. Binuhat niya ako para lumusot sa pagitan ng nilulumot na pader at barb wire. Naudlot. May nakatingin sa aming batang lalaki. Nakatitig lang siya, yung parang audience ng isang magic show bago palabasin ng magician yung rabbit, o kalapati, o kalapati na mukhang rabbit. Nakabiling ang ulo sa kanan. Hinila ako ni C. Nagtatakbo kami, sa kaliwa, tapos liko sa kanan, tapos dirediretso sa kalsada.

Baka baliw yung bata. Mukhang baliw yung bata. Parang nakangiti pa nga yata sya nung nakita kami. Naaalala ko pa ang mukha nung bata, na kapag nakita ko ulit siya ay makikilala kong siya iyon. Kahit yung lugar, yung pader, yung barb wire, yung eskinita, kapag napuntahan ko ulit ay masasabi kong ito yun.

Sabi nila, mga lugar, mga taong nakita mo na talaga sa totoong buhay ang mga napapanaginipan mo. Inalala ko kung sino yung bata, saan yung lugar. Wiz.

Paglabas namin ng kalsada, dumiretso kami sa isang bukas na bahay na katabi lang ng kalsada. Nakatiles ng puti ang sahig. May babaeng nagvivideoke sa loob. Pumasok lang kami, kilala kami ng babae, hindi kniya ami pinansin. Umupo lang kami at nakiinom. Tas nagising na ako. Kinakabahan ako pagkagising, natatakot na parang takot kapag nananaginip din ako ng multo o killer-killer o patayan.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

2 responses to “Nakaw

  • pata

    mainam sigurong halughugin sa iyong isipan kung ano nga ba ang hangarin mo kung bakit may gusto kang kunin/nakawin doon, at the same time na mayroon ka ring binabantayan. hindi man sa literal ang mga bagay na iyon kundi maaari rin tungkol sa iyong sarili.

    kaya gusto ko mag-aral ng psychology. interesting ang dream interpretations.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: