Ceasefire

Wala ka namang kinukumpirma, at hindi naman kita sinasagot dahil hindi ka naman nanliligaw. Pero alam ko may something. MU tayo. Di ba? Ang landi mo ha. Kung ako, hindi kaya ako malandi, tinatapatan lang kita. Haha.

Tapos umalis ka. Ok, fine. Sinabi mo naman sa aking aalis ka. Plano mo naman talaga yan. Hindi naman kita pipigilan. Mag-ano ba tayo? MU? Haha. Anong ipantatapat ko sa paninindigan mong umalis? Yung relasyon nating parang tubig sa isang vacuum space na palutang-lutang, walang shape, walang tiyak na gamit (bakit ka nga ba maglalagay ng tubig sa isang vacuum space?). O wala pang tiyak na gamit.

O, basta, yun nga. Umalis ka. Doon sa malayooo. Sa lugar na hindi ko kayang puntahan, pero alam ko (pero hindi yung alam na alam na alam) dahil delikado. Sa pinupuntahan ng lahat ng katulad mo, natin, na ready na. Ang buhay na decided at hindi katulad natin (kung meron mang “us” and not just “you” and “me”) na undefined. Pero nagpramis ka na susulat. Sulat na walang selyo, hindi pinapadaan sa kartero. Sulat na nakatupi ng maraming tupi, isisingit sa bawas na kaha ng sirarilyo, na pinagpapasapasahan hanggang makababa, maiabot sa akin. Bukbuklatin at maingat na plaplantsahin ng palad ko (dahil rumupok na ang guhit ng pagkakatupi) at tsaka babasahin.

Yung huling sulat mo, excuse me, di ko kinaya. Bakit mo ako kinukumusta bilang “girlfriend” mo? Tayo baaa?? Kinakantyawan tuloy ako ng mga kasama ko dito. Kesyo malihim daw ako masyado, at pasaway! Kasi hindi man lang nila alam na may ligawang naganap. Gago ka. Pero nagtaka din ako, inalala ko kung sinagot ba kita bago ka umalis. Inaalala ko din kung nagtanong ka ba. Pero wala naman! Wala naman di ba? Hindi ka nga nanligaw!

Pero infairness, kinilig ako. Para akong papel na nilukot-nilamukos-binilot-bilot sa kilig. Hahaha. Humanda ka pagbalik mo (kung babalik ka pa matapos mong magpa-extend indefinitely diyan), kung may balak ka pang bumalik. Kung hindi, ako ang pupunta/ dadalaw diyan. At humanda ka! Magpapakasal tayo agad. Charot!

***

May engkwentro daw? Nilusob ang lugar niyo? Wala daw balita kahit kanino mula diyan. Walang makontak. May nagsabi nakuha daw lahat ng gamit nyo. Sabi ng iba grabe daw ang buhos ng KY. Ano ba? Ano bang nangyayari? Buhay ka pa ba? Buhay pa ba kayo? Ano ba? Ceasefire di ba?

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

One response to “Ceasefire

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: