Aso. Pusa. Takot.

Gustong gusto kong natutulog sa katawan ko si Ningning, o nakikipaglaro sa kanya. Pero bakit kaya palagi ko ding naiisip na bigla niya akong kakalmutin, kakagatin sa mukha, o sa kamay, o sa leeg, kung nag-iinat-inat sya habang nakahiga sa dibdib ko. Takot dahil hindi ka naman pwedeng maging sure, sasaktan ba niya ako kahit friends na kami? Parang tinga ang paranoia. Naglalambitin sa pagitan ng mga ngipin na inaabot-abot mo ng dulo ng dila, pero hindi mo maalis. Parang lamok na makulit, aaligid-aligid sa tainga.

Kahit sa mga aso namin, at sa kahit kaninong aso. Nakikipaglaro ako, nagpapadila ng kamay, nakikipagyakapan, hinihimas ang likod. Pero takot ako, na biglang dambahin, sakmalin. Nakagat na ako ng aso noong limang taon ako. Naalala kong mas masakit ang injection kaysa sa kagat ng aso.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: