Dear Ampon,

Dear Ampon,

Para kang tanga. Kalokohan talaga yang pagdodoble-doble ng pantalon. Naiintindihan kong kailangan mong pumorma kaya pinipilit mo pa ring mag-itim na pantalon pagpasok, kahit bawal. Sobrang effort mo naman na ipapatong mo yung green pants pag-uwi para lang huwag kang pagalitan ni Mama.

Syempre medyo joke lang yung sinabi kong kung kailangan mo talagang mag-itim na pantalon, na nakakatulong yan para makapag-isip kang mabuti ng leksyon mo at kung makakataas yan sa grade mo, ipagtatanggol kita kahit hanggang principal’s office o kahit sa Division office (kapag sa NCR o national, kontakin natin si Vencer).

Don’t get me wrong. Kebs sa akin kung makapasok ka sa top 10; wala naman ako dun sa grades unless mahusay noong irereflect (ano ba ang filipino ng reflect?) na sumipag kang mag-aral. Tamad ka naman kasi. O, kahit magbasa ka na lang. Ang dami ko ipinapabasa sa’yo, sabi mo babasahin mo pero wala ka pang sinisimulan. Basta magbasa ka na lang.

Iniisip kong baka peer pressure ang pagporma mo sa itim na pantalon. Palagay ko, yung mga tropa mong nagsusuot niyan, alamin mo rin, ay yung wala talagang pambili ng green pants (dati naman kasi, noong kami na blue pants pa ang uniform ay medyo maluwag kung black o blue dahil halos magkakulay lang naman) o iisa lang ang green pants at walang panrelyebo. Baka pantalon yun ng kuya o tatay nilang nagtratrabaho o nag-aaral; tipid kung iyon na rin ang isusuot nila. Pwedeng ganoon; public school yan at pinakamahirap sa pinakamahirap ay sa eskwelahan natin pumapasok.

Kung ikaw yan, wala kang lusot, ang dami mong green pants. Kung mulat at sadyang gusto mo lang suwayin ang school rules at regulations, aba, goodluck sa iyo (sinsero ang “goodluck” ko).

Tsaka iwasan mo din na makabangga si mama kasi lumilihis din sa rason minsan iyon kapag nagagalit; may tendensiyang ungkatin ang lahat ng kahinaan mo at, kahit hindi naman niya intensyon, mapapatanong ka talaga sa sarili mo kung may silbi ka pa ba sa buhay na ito.

At sipagan mo ang pag-uurong, please. At tiklupin mo ang higaan mo bago pumasok. At wag mo nang pinapapasok si Ningning sa kuwarto kapag gabi; nagigising ako kapag madaling araw sa kalmot nya.

Kuya

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: