Right Err

Pinakagusto ko ang mga pusa, alam mo ba? Gusto ko din naman ang aso, pero iba kasi maglalambing ng pusa. Tahimik. Maliksi. Marahang-marahan pero hindi nag-aalinlangan. Yung pusa namin ngayon, si Ningning (yun ang tawag ko sa kaniya – generic – pero ang alam ko may iba pa syang pangalan na bininyag ni Mama), gustong gusto nyang umuupo sa pundya ko, sa ibabaw ng tralala. Sensitibo ang tralala, lalo yung balat na pinaka balot ng dalawang dingdong. Kaya kapag hindi pa sya komportable at kakaupo lang niya, damang-dama ko ang tibok ng puso pati ang daloy ng dugo niya paalis-papunta sa puso. Hindi yun nakakaturn-on, pero weird.

***

Pinalaya na daw ang Morong 43. Nagpunta kami sa celebration. Nakakaiyak, totoo. Ilang beses kong kinuskos-kuskos ang ilong ko, umubo-ubo kunwari para maalis ang bara sa lalamunan ko at pamamasa ng mata. Haha. TNL!

(poachedonline.co.uk)

***

Kailangan ko nang mag-aral at magkabisado ng ibang kanta (maliban sa Balang Araw at Rage). Alam ninyo naman, hindi ako mahiyain pero hindi din kasi ako maalalahanin sa mga lyrics. Hindi ako madidiscover kung puro iyon ang kakantahin ko! Tapos palagi pa akong may dalang kopya. Mahirap kasi umemote kapag may kopya. (Tatawa ka naman sa pagkaalam na umeemote dapat.) Performance kasi yon, requisite talaga ang drama.

Ang sarap kumanta.

***

Writer’s night. Pangalawang gabi ko pa lang itong nakadalo. Last year yung una. Pero naglevel-na din ngayon.

Para akong dumudura sa sarili kong mukha habang papasok at paakyat ng hagdan papunta sa venue. O, well. Kontradiksyon.

Gusto ko ding magpaabot ng pagbati kay Ka Liwayway. First place! Hindi ko pa nababasa ng buo ang libro niya pero grabe yun, inaabangan ko na habang nakapila ako sa hiraman. Nanalo ang libro ni Ka Liwayway sa GT Toyota Center. Kontradiksyon plus one.

Level up sa ganda, gastos, at bongga alaga ang pag-aayos ang event. Still, star (spangled) studded (banner) din. Sentro syempre sila ng uniberso. Ang kanilang unibersog dala-dala naman nila come writer’s night or not.

Iniisip ko tuloy, sa UP ginagawa ang writer’s night. UP event, CAL event(?) bilang nasa CAL ang ICW (or not?). (O, basta, nasa CAL naman ang mayor ng mga nag-aaral magsulat at nagtuturong magsulat.) At maraming estudyante sa UP, paaralan nga kasi. Kaya, para kanino ba ang event – sa thunders o sa mga kafreshness. Syempre sasabihin, para sa mga “writers”, kaya nga writer’s night?

Ewan ko kung anong moda ng writer’s night noong panahon ng mga thunders. Noon daw kasi uma-attack ng bongga talaga ang mga estudyante, writing orgs, pasulat-sulat, patula-tula, anywho. Noon para sa kanila ang writer’s night, ngayon para sa kanila pa rin. Ewan ko. Baka wala pa namang writer’s night dati.

Basta ang sinasabi lang sa akin ng mga dati nang dumadalo ng writer’s night noong estudyante sila eons ago, alienating na daw, parang nasa first world country na ang event at mataas na sa karaniwan (literally, nasa roof top ang venue kaya mataas talaga) kinalimutan na ang ibaba (e, paglabas mo naman ng building – welcome sa irony ng Ripada area), at ang mga kalokohan ng mga estudyanteng sumusugod doon. Maloko masyado, ipagtanong nyo na lang sa iba.

Ang dami kong sinasatsat e, late naman akong dumating. Haha. Buti late ako.

***

Disyembre yata ang bagong Pebrero! Panahon ng pagbabago (ng mga relationship status sa facebook), mula wala ay nagkakaroon. Ang masaklap ay yung mula meron at nagiging wala.

Aruy! Magready ng jacket at Efficascent oil – malamig ang panahon!

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: